Muhi

171 4 0
                                    

Damdamin ko'y nagpupuyos

Samisiklab ang galit sa aking puso

Kakaibang alab ang namumuo

Na tila ba handang sumabog

Labis ang poot na nadarama

Galit sa puso'y hindi mawala

Nilukuban ng yamot ang kalooban

Damdaming pilit kumakawala

Nabulag na ng poot ang aking isipan

Ni di tumanggap ng paliwanag

Galit, poot, pagkayamot, suklam

Damdaming namuo sa kalooban

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon