Kung ito man ang Huling Tula na Aking Isusulat

93 2 0
                                    

Kung ito man ang huling tula na aking isusulat,

Isusulat ko ito nang buong puso.

Puso yaring sandata sa pagsulong, 

Pagsulong mula sa laban na sa akin ay ibinigay.

Ibinigay na pagsubok ang siyang magsisilbing lakas,

Lakas na humarap mula sa hamon ng buhay.

Buhay man ay puno ng pagsubok.

Pagsubok na sa akin ay susubok.

Susubok sa tibay ng aking pagkatao,

Pagkatao na minsan nang pinagdudahan,

Pinagdudahan kung hanggang saan ang kaya.

Kaya nga ba o nagpapanggap na kaya?

Kaya na nauwi sa kaya--kaya ayokong sumubok. 

Sumubok pagkat takot ako,

Ako na sa buhay ay may pagkaduwag.

Pagkaduwag na humarap sa mga bagay,

Bagay na 'di ko alam ang magiging resulta,

Resulta na 'di ko alam kung akin ngang kakayanin.

Kakayanin sa kabila ng hirap at sakit.

Sakit na dulot ng mapaglarong tadhana.

Tadhana na ang makapagsasabi, kung ito man ang huling tula na aking isusulat.  

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon