Kahapon

55 2 0
                                    

Parang kahapon lang nangyari;


Mga alaalang 'di na maibabalik sa dati.


'Di na tulad ng noon ang ngayon.


Marami na ang nagbago sa paglipas ng panahon.



'Di na tulad ng noon ang ngayon.


Sa alaala na lamang masisilip ang kahapon.


Sa pagpikit ng mata, iyong masisilayan,


Ang masasayang bakas ng kahapong nagdaan.



'Di na tulad ng noon ang ngayon.


Marami ka mang tanong sa isip mo,


Kasagutan nama'y tila pinagkait sa iyo.


Sa isang sulok ay nagmumok, inaalala ang kahapon.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon