Epic Poem (Byahe Thoughts)

14 1 0
                                    

Umiiyak ka na naman...
Luha ba'y 'di mapigil na pumatak?
Kailan ba 'yong huli kitang nakitang masaya?
'Yong may nakapintang ngiti sa iyong labi na abot hanggang tainga.
'Yong ngiting nagniningning at hindi ngiting may bahid ng pait.
Umiiyak ka na naman...
Teka, di ba, sabi ko naman sa iyo nandito lang ako--
I'm only one call, este chat away, pero bakit 'di ka man lamang nagtangka?
Akala ko ba, kaibigan mo ako?
'Di ba, ang magkaibigan ay nagdadamayan?
Pero bakit sinasarili mo ang problema?
Umiiyak ka na naman...
Teka, tara nga, usap tayo--
kwentuhan  naman tayo tulad noon.
Pero sa pagkakataong ito,
ikaw naman ang taya at ako itong makikinig sa iyo.
Ako naman ang magpapasan ng mga dalahin mo upang mabawasan ang mga bagahe mo.
Gusto ko kasing ibalik ang lahat ng ibinigay mo; ang oras at buhay mo, kahit ngayon lang.
Tara kaibigan, usap tayo.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon