Hindi Lang Ikaw

24 2 0
                                    

'Di lang ikaw ang may problema,
'Yong iba nga mas grabe pa sa pinagdaraanan mo,
Pero wapakels lang sila--
Tuloy lang ang buhay.
'Di lang ikaw ang may problema,
Dahil lahat naman ay nararanasan 'yan,
Pero nananatili silang matatag.
'Di lang ikaw ang may problema,
'Yong iba nga deadma na lang,
Pasasaan ba't malalampasan mo iyan.
'Di lang ikaw ang may problema
Subukan mong ilibot ang paningin mo at makikita mo sila.
'Di lang ikaw ang may problema,
Pero alam mo kung bakit isa ka sa kanila?
Kaya mo kasi ito at malalampasan mo ito basta maniwala ka lang.
Walang malaking problema
Sa pusong puno ng pag-asa at determinasyon
Pasasaan ba at malalampasan mo din 'yan.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon