Paalam, Hanggang sa Muling Pagkikita

34 2 0
                                    

March 23, 2018

Ikaw, naaalala mo pa ba 'yong mga unang tagpo ninyo sa eskwela?
Mula sa pananantya hanggang sa maging palagay ka;
Mula sa pagiging tahimik hanggang manguna sa huntahan.
Naaalala mo rin ba, 'yong classmate mong sa una akala mo bida-bida, ngunit 'di naman pala.
Nandiyan din 'yong akala mo tahimik pero pagdating sa huntahan akala mo wala nang bukas.
Marami kang alaala ng sampung buwang nagdaan,
Mula sa unang pagtatagpo
Hanggang sa huling araw sa eskwela;
Tawanan, iyakan, tuksuhan at kantiyawan.
Sama-sama kayo sa iisang silid,
Ninanamnam ang bawat sandaling magkapiling
Kesyohadong mapagalitan ni ma'am o sir basta ang importante, lahat ay masaya.
Paalam, hanggang sa muling pagkikita,
Dalangin ng bawat isa, kayo ulit ang magkakasama
Kahit na alam ninyong ito'y malabo naman.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon