Tula Nights

16 1 0
                                    

July 27, 2017

Hindi ito isang laro na kapag pagod ka na ay aayaw ka na--
Na kapag sawa ka na ay tama na.
P'wede namang magpahinga kung gusto mo,
Kung sa tingin mo ay kailangan mo ito,
Kaso nakakahinayang ang panahong lilipas,
Pero mas nakakahinayang ang panahong masasayang.
Pagkat ang oras ay umuusad at kailanman ay 'di na maibabalik pa.

Ganoong kadali ka na lamang bang bibitaw?
O pagod ka nang kumapit pagkat marami ang humahatak?
Na kahit pilitin mong manatili, marami ang hadlang,
P'wersang mas malakas kaysa sa iyong paninindigan.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon