Salamat, Ina

81 2 0
                                    


Paano nga bang sasabihin,

Akin kayang maisatinig,

Pasasalamat na sa iyo ay hatid,

Sa labi kaya'y manatiling nakapiit?

O baka sakaling makalaya ang tinig?

Nang minsang subukin

Na ang salita ay maiparating

Tila naman tukso, dila'y biglang naumid-

Sa lalamunan ay may kung ano'ng bumikig...

Sa isang tabi ay piniling manahimik.

Minsan pa'y sumubok na sa iyo ay sabihin,

Ngunit itong dila'y nautas-napinid,

Sa hangi'y sinubok na ipinarating,

Ibinulong yaring nais;

Pasasalamat at pagmamahal nawa sa iyo ay ihatid.

Maraming salamat, o aking Ina,

Sa lahat ng bagay na sa amin ay 'yong alay

Pagmamahal na hatid ay walang kapantay

Pag-aaruga sa amin, wagas at siyang tunay

Kaya ngayong araw mo-Salamat.

Hindi man maisatinig,

Sa papel ko na lamang pararaanin

Isusulat gamit yaring pluma,

Puso yaring sandata...

"Maligayang Araw ng mga Ina."

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon