Epic Poem

19 1 0
                                    

Darating ang panahon na ang lahat ng ito ay lilipas din
Na ang pag-ibig sa iyo ay tatangayin ng hangin at kailanman ay di na magbabalik
Darating ang panahon na ang lahat ng ito ay mawawala rin
Na ang pagtangi sa iyo ay aanurin ng tubig at di na uulit
Darating ang panahon na ang lahat ng ito ay di na nadarama pa
Na ang pagmamahal sa iyo ay maglalaho rin tulad ng bulang bigla na lamang nawala.
Darating ang panahon na ang mga alaala ay kukupas din,
At tila isang panaginip lang na agad din nawala.
At sa pagsapit ng araw na iyon tatanawin ko na lamang ang lahat sa kung saan
Ay 'di na nanaisin pang ibalik ang naganap.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon