Beast Mode

44 2 0
                                    

Pisi ng pagtitimpi ay malapit nang mapatid
Hangganan nito'y malapit nang marating
At itong pasensiya'y malapit nang maubos
Sa sanding galit ay humulagpos

Konti na lang ako'y bibigay na
Sa pagiging kalmado ay mawawalay na
Nilukuban ng yamot ang kalooban
Inis sa paligid ay 'di mapigilan

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon