Ngiti

20 1 0
                                    

Ngiti sa labi kailan man 'di nais na mapalis,
Ngunit may mga pagkakataon na hindi maiaalis
Na ang saya ay nais na lumiban sandali
Kapag ang sakit ay 'di na kayang tiisin o dayain.
Madali lang namang magpinta ng ngiti sa mga labi,
Ngunit sa mata ay hindi,
Pagkat kinang nito ay wala
At panglaw lang ang tanging makikita.
Madali lang namang sabihing ikaw ay masaya,
Ngunit sa sandaling ipakita ay mapupuno ng pagdududa
Pagkat ang ngiting maipipinta ay mapait
Pagkat sa dulo ng pakurbang linya nakaukit ang sakit na 'di maisatinig.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon