Teatro

130 4 0
                                    

 Naranasan mo na bang mamuhay

sa mundo ng pagpapanggap?

Mundo kung saan puno ng kasinungalingan

Naranasan mo na bang mamuhay

na tila ba sa’yo nakabunton ang lahat ng sisi?

Na tipong ikaw lamang ang may kasalanan ng lahat

gayong ang katotohanan ginawa mo iyon para sa ikabubuti nila

Kahit na sa kabila no’n

ikaw rin naman ang mahihirapan

Naranasan mo na bang magbago

para lamang makiayon sa nakararami?

Nasa huli parang kabaliktaran pa ang nangyari

Naranasan mo na bang magdiwang

sa kasawian ng kapwa mo,

At tawanan sila dahil sa kanilang pagkakamali?

O 'di kaya’y tumawa,

'yong tipong parang walang ng bukas?

Hindi para sa iba

Kung 'di para sa sarili mo?

Hindi dahil masaya ka

Kung 'di dahil sa’yong sitwasyon

Naranasan mo na bang maging masaya

sa kabila ng sitwasyon mong kahabag-habag

Para lamang ipakitang matatag ka

at kaya mong mag-isa kahit wala sila

Nakakatawang isipin na maging ang sarili natin

kaya nating dayain

Kahit pa sabihing labag ito sa kagustuhan natin

sa huli mapipilitan parin tayong gawin

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon