Lihim na Pagtingin

437 2 0
                                    

Lihim na Pagtingin
April 30, 2016

Aaminin na ba sa iyo ang lahat?
O patuloy na ikukumbli sa iyo ang nadarama?
Sasabihin ko na bang mahal kita?
O iiwas sa katotohanan na gusto kita?

Nang minsang tangkain na sa iyo ay iparating,
Tila naman pipi, dila ay naumid.
Minsan pa'y sinubok na sa iyo ay lumapit,
Tila naman tuod, paa ay napako sa sahig.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon