Tula Nights

17 1 0
                                    

Gulong-gulo ang isip,
'Di mawari ang gagawin...
Di alam kung anong susundin,
O sa agos ba'y patatangay na rin...

Gulong-gulo ang puso,
Ang isipan ay litong-lito
Ano, saan, kailan at paano?
Mga tanong na 'di alam ang isasagot.

Gulong-gulo ang diwa,
Medyo nababalisa...
Teka, saglit tayo ay magpahinga,
Ang desisyon dapat na pag-isipan.

Gulong-gulo, litong-lito...
Pero sa kabila nito, isipan dapay na ipanatag
Pagkat kung magpapadalos-dalos...
Baka sa huli ay maging kalunos-lunos.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon