Pag-asa

29 2 0
                                    


Ano ba ang mali sa pag-asa?
Dahil ba sa maaari kang masaktan?
Na mag-iiwan ito ng sugat sa huli?
At ang magdusa ka ay 'di maiwasan.
Ano ba ang mali sa pag-asa?
Hindi ba p'wede na ito ay maging tama?
Dahil kung titingnan, ang pag-asa ay liwanag...
Ang iyong gabay sa naghihintay na bukas.
Ano ba ang mali sa pag-asa?
Alam mo bang ang pag-asa ay hindi lang basta pag-asam,
Pagkat ang pag-asa ay nangangahulugang
P'wede pa at kaya pa.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon