Super Tatay

166 2 1
                                    

A Father's Day Poem

Ikaw 'yong superhero na walang kapa--
'di nakalilipad,
Ni walang sapat na lakas.
Ngunit ikaw 'yong gagawin ang lahat para sa iyong mga anak.

'Di ka man 'sing lakas ni Superman,
O 'sing liksi ni Spiderman,
O kahit pa ni Batman...
Ikaw ay Supertatay naman.

Hindi ka man cool,
O ang best tatay sa mundo...
Madalas ka mang sumablay o kulang sa diskarte,
Ikaw naman ay totoo at walang halong pamemeke.

Ikaw na nagsikap,
Ginawa ang lahat kahit mahirap.
Ikaw na lumaban at nagtiyaga sa buhay
Mabigyan lamang ang 'yong mga anak ng magandang buhay.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon