Ilaw ng Tahanan

321 2 0
                                    

A Mother's Day Poem 2019
Ilaw ng Tahanan
May 12, 2019

Ikaw 'yong ilaw ng tahanan,
Ang nagsisilbing tanglaw sa buhay;
Ang inspirasyon ng pagsusumikap
Para sa isang magandang bukas.

Ikaw 'yong ilaw ng tahanan,
Ang nagsisilbing gabay sa buhay;
Ang dahilan sa likod ng lahat--
Tungo sa pagkakakamit ng pangarap.

Ikaw 'yong ilaw ng tahanan,
Ang nagbibigay liwanag sa buhay;
Ang pinagkukunan ng lakas na harapin ang lahat--
Ang magpatuloy kahit maraming humahadlang.

Ikaw 'yong ilaw ng tahanan,
Utang namin sa iyo ang buhay--
Ikaw na nagdala sa amin sa sinapupunan
At nagluwal sa mundong ibabaw kahit pa ang isang paa ay nasa hukay.

Ikaw 'yong ilaw ng tahanan
Ningning mo'y walang kapantay;
Ikaw ang liwanag--ang tanglaw nitong buhay.
Salamat, utang sa iyo ang lahat.

--
Happy Mothers' Day sa lahat ng mga ina at tumatayong ina.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon