A/N:
Ang tulang ito ay entry ko sa final round ng The Addicted Writer
Sa Kamay ni Ama
Isa, dalawa, tatlo – narinig kong bilang ni ama,
Mula sa kung saan si Pedro ay lumabas
Sa akin ay ipina-alam ama ko ako ay hanap
Kapag daka siya’y kumaripas nang takbo kung saan
Apat, lima, anim - 'di ko malaman aking gagawin
Tatakbo ba ako palapit o magtatago sa kanyang paningin
Tuhod ko ay nanginginig, takot ay hindi maalis
Sa parusang maaari kong makamit mula sa ama kong malupit
Pito, walo, siyam – puso ay balot na ng pangamba
Aking ama ay palapit na nang palapit
Hawak-hawak ang isang pamalo sa kanyang kanang kamay
Tila mo ba isang agilang anomang oras handang mandagit
Sampu, sampu, sampu – itong paa ay tila napako
Ni 'di gumalaw mula sa kinatatayuan nito
Malapit na si ama sa aking kinaroroonan
Ngunit heto pa rin ako nananatiling nakatayo lang
Mata ko ay inilibot sa paligid
Aking ina’y pilit na hinahagip ng paningin
Upang sa kanya ay humingi ng saklolo
Mula sa nagbabadyang panganib sa kaligtasan ko
Umabot na nang sampu ang bilang ni ama
Ngunit 'di pa rin ako nakalalapit sa kanya
Nahilig ko na sana’y bula na lang ako at maglahong bigla
Upang makaligtas sa malupit kong sasapitin sa kanyang kamay
Ilang hakbang na lamang ang layo niya
“Ina ko nasaan ka na, ikaw ay aking kailangan?
Ako’y iyong iligtas mula sa mapagparusang si ama
Upang sakit at latay sa katawan ay 'di ko matamasa”
Natatanaw ko na si ina na humahangos
Tila nakikipaghabulan sa sampung kabayo
Balot ng takot maamo niyang mukha
Tila mo ba nagsusumamo mula sa aking ama
Sa pagpikit ng aking mata, sakit ay nanunuot sa aking katawan
Dama ko ang paglapat ng manipis na patpat sa aking balat
Habang walang humpay si ama sa paghampas
Tila mo ba hinete ng kabayo sa Sta. Ana
“Aray ko po ama, tama na po,” aking panaghoy
Habang paulit-ulit siya sa paghampas sa manipis kong katawan