Saan Ka Patungo?

39 2 0
                                    

Naisip mo na ba kung saan ka paroroon?
O naguguluhan ka pa rin hanggang ngayon?
Naisip mo na ba kung saan mo nais na tumungo?
O basta ka na lamang nagpatangay sa agos?

Saan ka ba talaga tutungo?
Kalsada ba ay tinataludtod pagkat gusto?
O sumusunod ka lang kung saan sila patungo,
Pagkat sa buhay ay 'di ka pa nakasisiguro?

Alam mo ba talaga ang iyong paroroonan?
O hanggang ngayon, ikaw ay naguguluhan?
Kaya sa agos ng buhay ay nagpatangay na lamang,
Kahit 'di sigurado sa kahahantungan.

Saan mo ba nais na tumungo?
Ano ba ang dahilan ng paglalakbay mo?
Ikaw ba ay sigurado?
O sa kanila ay gusto lamang sumunod?

Alam mo ba talaga ang paroroonan mo?
O nangangapa ka pa rin hanggang ngayon?
Pagkat sa buhay ay 'di ganoong kasigurado,
Kaya ang pagsunod na lang sa iba ang pinili mo.

Saan ka ba talaga patungo?
Sa paroroonan mo ba, ikaw ay nakasisiguro?
Kasi kung hindi, huwag nang tumuloy,
Pagkat kapalaran ay hindi mo piho.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon