Mali Ba?

27 2 0
                                    

Feb. 08, 2017


Mali ba ang hangarin na maging maayos kayo?
Ang itama ang ilan sa mga maling gawi ninyo?
Mali bang ipahayag ang kimkim na saloobin patungkol sa inyo,
Lalo na kung sobra na ang ginagawa ninyo?
Siguro nga ay mali
Na pakialamanan kayo.
Pero maituturing mo bang mali ito
Kung ang hangarin ay iayos kayo?
May pakialam kasi kami sa inyo,
Ngunit sa sandaling mawala ito,
Bahala na kayo sa buhay ninyo  

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon