Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana

82 3 2
                                    

Aug. 27, 2017

Mahal, naaalala mo pa ba noong una tayong magkita,


Doon sa gymnasium na mahaba ang pila?


Naaalala ko pa noon kung paanong tila tumigil sa pag-inog ang mundo ko,


Nang masilayan ko ang iyong mukha, Mahal ko.



Mahal, naaalala mo pa ba noong una tayong mag-usap,


Doon sa quadrangle kung saan mo ako nilapitan?


Kung paanong tila nawala ang tao sa paligid natin,


Habang ikaw at ako ay nag-uusap man din.



Mahal, naaalala mo pa ba 'yong madalas napagtatagpo natin,


Doon sa LRT na malapit sa entrance ng building namin?


Naaalala mo ba 'yong mga tagpo noon?


'Yong mga simpleng ngiti mo na nagpaparigudon sa puso ko,


Kasabay ng panghihina ng tuhod ko


Dahil ako'y labis na tinamaan sa iyo.



Mahal, naaalala mo pa ba noong unang magkatabi tayo sa upuan,


Kung saan naki-sit in kayo sa klase namin para kumuha ng exam?


Naaalala mo ba kung paanong pinatalsik ni ma'am ang mga katabi ko,


At ikaw ang pumalit sa kanilang puwesto.


Naaalala ko pa kung paanong tila nalunok ko ang dila ko,


Habang kantiyawan naman ang naririnig ko.



Mahal, naaalala mo pa ba noong graduation ninyo,


Noong pumunta ako para batiin ka?


Pasensiya na kung medyo naduwag ako sa harapan mo,


Kaya mga kaibigan ko ang nakausap mo


Habang ako, nagtago lang sa likod nila--


Sisilip-silip sa magiging reaksiyon mo.


Sayang may picture na sana tayong dalawa,


Kaso masyadong naging pabebe ang iyong lola.



Mahal, naaalala mo pa ba noong huling chat ko sa iyo?


'Di man ako umamin, pero nadulas ako.


Kaya ayon, convo natin ay d-in-elete ko,


Nakakahiya kasi, para ko na ring sinabing ikaw ay gusto ko


Gayong alam kong alam mo na ito, noon pa.



Mahal, matagal na nang huli kitang makita,


Pero alam mo ba, sa loob ng panahong iyon ay ikaw lang talaga.


Ano ba naman kasi ang ipinakain mo sa akin,


At hanggang ngayon, laman ka nitong puso at isip?



Mahal, alam bang sampu ang daliri natin sa kamay?


Alam mo bang ganoon na rin kita katagal na mahal?


Kailan kaya ito mawawala?


Kapag ba pumuti na ang uwak?



Mahal, gusto kong malaman mo na mahal pa rin kita,


Kahit pa alam kong may mahal kang iba.


Alam kong imposible na maging tayong dalawa;


Pagkat tayo ay pinagtagpo lang, ngunit hindi itinadhana.



Mahal, sa pagtatapos ng tulang ito,


Sana ay siya ring wakas ng pagtangi ko sa iyo.


Alam kong malabo dahil pag-ibig ko'y totoo,


Kahit pa sabihing walang tayo at 'di naging tayo.



Mahal, pakatandaan mo na sa puso ko, ikaw lang ang nag-iisa


At siguro hanggang wakas ay ikaw pa rin mahal,


Abutin man ito ng pag-itim ng uwak.



Mahal, hanggang dito na lang,


Pero 'yong pag-ibig ko sa iyo ay 'di rito magwawakas


Dahil sa puso ko ay ikaw lang talaga--walang iba


Hindi man ayon sa atin itong tadhana.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon