Posisyon

35 1 0
                                    

May 06, 2016

Mula sa malayo ikaw ay natanaw
Para kang bituin sa langit na 'di maabot ng kamay
Sa sandaling sumilip ka mula sa kung saan
Lahat handa kong bitawan makamit ka lamang

Siyam na taon ang lumipas
Sa palad ko'y hindi ka pinaalpas
Ni 'di hinayaang maagaw ka ng iba
'Pagkat ikaw ay para sa akin lamang

Ngayong malapit nang magwakas ang lahat sa atin
Pangako ko ikaw ay aking babawiin
Pagkakawalay ay hindi patatagalin
Pagkat hindi ko kayang ikaw ay mawala pa sa akin

Pagkat ikaw ang sagot sa aking kahilingan
Ang dahilan ng aking pamamayagpag
Ang rason sa likod ng aking pag-asenso
At hindi ako papayag na makinabang ang iba sa iyo.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon