Guro

130 4 0
                                    

Ehemplo ng kagandahang asal,

Karunungan at Kadakilaan;

Ikalawang magulang ng mga mag-aaral

Nagsilbing gabay sa pagkatuto sa buhay.

Huwarang modelo ng lipunan;

Isa sa mahalagang elemento nitong komunidad.

Tagahubog ng magandang asal;

Tagapagtanim ng kaalaman sa buhay.

Busilak na puso ang taglay;

Pagmamahal sa bawat isa ay alay.

Maglingkod ang tanging naisin;

Pagkatuto ng bawat isa ang hangarin.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon