Maalala Mo Sana Ako

44 2 0
                                    

May 31, 2017

Maalala mo sana ako


Kahit na alam kong ang mangyari ito ay malabo.


Maalala mo sana ako


Kahit na alam kong ito ang huling gagawin mo.


Maalala mo sana ako


Kahit na alam kong ang ibaon ako sa limot ang mas gusto mo.


Maalala mo sana ako


Kahit na alam kong kulang na lang ay isumpa mo ako.


Maalala mo sana ako


Dahil ako, kailanman ay 'di ka nawaglit sa isipan ko.


Maalala mo sana ako


Tulad ng pag-alaala ko sa iyo.


Maalala mo sana ako


Alam mo bang ito lang ang hiling ko.


Maalala mo sana ako


Kahit saglit lang, p'wede bang alalahanin mo ako?


Maalala mo sana ako


Ako at ikaw--ang tayo.


Maalala mo sana ako


Ang tuwa at saya, at hindi ang galit sa iyong puso.


Maalala mo sana ako


Dahil ako, ang limutin ka ay 'di sasagi sa isipan ko.


Maalala mo sana ako


At sa iyong alaala, manatili nawa ako.


Maalala mo sana ako


Ngayon tuluyan ko nang nilisan ang mundo.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon