SALAMAT

86 3 0
                                    

Kulang ang halik at yakap,

Kahit pa ang pagsasabi ng "salamat at mahal kita"

Hindi kayang tumbasan ng kilos o kahit na anong salita

Mga bagay na sa amin ay iyong ibinigay

Pag-aaruga, pagmamahal, pagsasakripisyo't pangaral

Lahat handa mong ibigay, mapabuti lamang kami inay

Kaya sa araw na ito, pasasalamat sa iyo ay alay

Pagmamahal na hindi man maiparamdam nang lubos

Ngunit sa puso naman namin ay taos

Salamat sa lahat, sa pagbibigay sa amin ng buhay

Salamat sa lahat, sa pag-unawa mo nang tapat

Salamat dahil palagi kang nandiyan

Kahit na parang kami ay kay layo naman

Salamat sa lahat, sa pagmamahal mong walang katumbas

Salamat sa lahat, kahit na minsan kami ay nagkukulang

Salamat sa lahat, sa pag-unawa sa kakulitan

Salamat dahil lagi kang nandiyan kahit na sa kalungkutan

Salamat sa lahat, sa pag-aarugang walang kapantay

Sa pagmamahal na sa amin ay alay

Kahit na sakit ng ulo ang sa iyo'y ibinibigay

Salamat sa lahat, kahit na kami'y may pagkukulang

Salamat pagkat lagi kang nandiyan, handa kaming damayan

Sa tuwa, sa lumbay o kahit sa sakit man iyan

Handa kang umagapay

Kahit na sa kabiguan pa iyan, hinding-hindi kami iiwan

Patawad sa lahat, sa aming mga pagkukulang

Sa mga pagkakataong nagiging sakit na kami ng ulo

Patawad sa lahat nang sakit na sa iyo ay naidulot

Hindi naman hangad na ikaw ay saktan

Mahal ka namin, ina maraming salamat

Itaga mo iyan sa bato at sa tubig ay huwag isulat

Hindi man madalas na sambitin ng bibig o sa iyo ay maipadama

Lagi mong tatandaan: Mahal ka namin, peksman

Pwera biro, tanong mo pa kay Batman

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon