ABatA5G#37

6.7K 202 4
                                        

ABatA5G#37

Kumakatok ako ngayon sa gate ng mansion nila Kent , sira kasi yung doorbell . Hindi ko man gustong kausapin ang bakulaw na iyon pero no choice . Para kay Kate gagawin ko ang lahat .

" Hello po Manang Lordes ! " bati ko kay Manang ng pagbuksan na niya ako ng gate .

" Coreen ikaw pala , si Kent ba hanap mo ? " kahit nagtatakha ako kung bakit niya alam kung sino ang sadya ko ay tumango nalang ako na ikinangiti niya " Same routine , hindi palabasin sa kwarto niya iyon e " - Manang Lordes

" Sige po " pinapasok naman niya ako't iginaya paakyat ng hagdan . Ng makarating ako sa tapat ng pintuan ni Kent at huminto muna ako't humugot ng malalim na hininga " Kalimutan mo na muna ang nangyare Coreen , alalahanin mo . Para ito sa kaibigan mo , para ito kay Kate " pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakapikit pa . Iminulat ko na ang mga mata ko at handa na sana akong kumatok ng biglang bumukas ang pinto kaya iba ang nakatok ko .

" Aray ! " ungol nito at napahawak sa kanyang ilong , medyo malakas pa man din iyon .

" He-he " napatawa nalang ako ng pilit , patagong ikinuyom ko ang mga kamao ko . Nakakaramdam nanaman kasi ako ng inis , sa tuwing nakikita ko siya , laging bumabalik saken yung sinabi niya . Aish . kundi lang talaga para kay Kate hindi ko kakausapin ang lalaking ito .

" Anong ginagawa mo dito Coreen ? " tanong nito at lumabas na ng kanyang kwarto . Umurong naman ako sa kinatatayuan ko ng mapansin kong magkalapit na kaming dalawa .

" Ahh ... makikitawag lang sana ako sa'yo " nakita kong nagsalubong ang dalawa nitong kilay kaya napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko .

" Sinong tatawagan mo ? "

" Si Jace sana , may sasabihin lang sana akong importante sa kanya " lalong nagkasalubong ang mga kilay niya at nakita ko sa mga mata niya na may katanungan doon " Wag ka ng magtanong Kento , bawal sabihin , dahil isa 'tong sikretong malupit " napaurong ako sa kinatatayuan ko at napalunok , nagpeace sign lang ako sa kanya at nag-iwas ng tingin . Ikaw ba naman bigyan ng nakakamatay na tingin dika mapapaatras at mapapalunok ? .

" Wait here " sabay pasok niyang muli sa kwarto nito , nakahinga naman ako ng maluwag pero nawala din agad iyon at napahugot nanaman ako ng hininga ng lumabas siya ng kanyang kwarto na dala-dala ang cellphone niya " Here " sabay lahad nito saken na agad ko namang kinuha .

" Salamat , sa pool area nalang ninyo ako , saglit lang naman ito promise . Babayaran ko nalang load mo na magagastus ko , okay ? " hindi ko na siya narinig pang magsalita at naglakad na ako patungong pool area . Alam ko naman na hindi siya nagpapagamit ng libre yun e , alam kong babayaran at papalitan ko din iyon . Tulad nalang nung pagligtas niya saken kay manong mabuhok kahit saan , remember ? .

Ng makarating ako sa pool area ay agad kong idiniall ang number ni Jace . Dalawang ring lang ito at agad naman niya itong sinagot .

[ Oh Pre , napatawag ka ? ] bungad nito

" Si Coreen ito Jace "

[ Coreen ? o bakit ka napatawag ? ]

" We need to talk , may sasabihin ako sa'yo "

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon