ABatA5G#53
Binitawan ko ang hawak kong map at mabilis na tumakbo patungo sa kanya " Anong sinasabi mong lock ? " salubong na kilay na tanong ko sa kanya . Hinawi ko ang kamay niya na nakahawak sa hawakan na bakal ng pintuan ng gymnasium at sinubukan ko itong buksan ! Pero shit ! Napamura nalang ako sa isip ko ng hindi nga ito mabuksan .
Hindi maari ito , hindi ako pwedeng manatili dito . Mag-aalala saken si Inay , baka kung mapaano pa siya . Sinubukan kong buksan ulit ang pinto , pero kahit anong pwersang gawin ko ay hindi parin ito mabuksan !
" Argh ! Mabuksan kana ! " may panggigigil na sabi ko " BUKSAN NIYO 'TO ! " sigaw ko " UGHH ! " nasipa ko nalang ang pinto ng hindi ko parin ito mabuksan . Sumandal ako at pinadausdos ko ang sarili ko pababa " Paano na niyan tayo lalabas dito ? tiyak mag-aalala si Inay kapag hindi pa ako umuwi " napaubob nalang ako sa nakahalukipkip kong mga tuhod .
" Bakit ba napakamalas ng araw ko ngayon ? bakit wala ng magandang nangyare sa araw na ito ? isinumpa ba nila ako para mangyare nalang lahat saken ang mga ito ngayong araw ? " bulong ko habang ramdam ko ang pag-iinit ng luha sa gilid ng mga mata ko " Una bigla na lamang akong hinarangan ng tatlong babae at sinabihan ako na B*itch , slut at gold digger , pangalawa muntik na akong mahulugan ng flower vase , pangatlo muntikan na akong natamaan ako ng bola , pang-apat pinaglinis ako ng buong gymnasium , pang lima na lock tayo , pang-anim galit ka saken at hindi mo ako pinapansin . Wala na bang magandang mangyayare saken sa araw na ito ? bakit ba napaka-malas ko ngayon " huminga nalang ako ng malalim at tuluyan na akong napaluha kaya agad ko iyong pinunasan . Kita ko naman sa gilid ng mga mata ko na umupo di kalayuan saken si Kent .
Nilingon ko siya , nakasandal lang ang kanyang ulo sa pinto habang nakatingin lang sa itaas at para bang walang balak magsalita . Ganun na ba kalaki ang galit niya saken para hindi niya ako kausapin at pansinin ? *sigh* . Sa tagal naming nagkakilala ngayon lang naging ganito ang pakikitungo niya saken .
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapahikbi . Napalingon ito saken kaya umiwas nalang ako ng tingin .
" Gaano ba kalaki ang galit mo saken Kent para hindi mo ako kausapin at pansinin . Oo nagkasagutan tayo , pero hindi ko alam na aabot pa pala sa ganitong kahaba . Alam kong kasalanan ko , pero masisisi mo ba ako na maglabas man ako ng sama ng loob dahil nasasaktan na ako sa tuwing ipapamukha mo saken kung gaano ako kadukha ? hindi naman hindi ba ? " sabi ko sa gitna ng pag-iyak ko . Pilit kong pinupunasan ang luha ko pero hindi ko na iyon mapunas dahil pati ang mga kamay ko ay basang-basa narin ng luha ko .
Hindi parin ito umimik , kaya lalo akong napaluha . Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinunasan ang mukha ko gamit ang damit ko .
Kung ito ang gusto mo Kent pagbibigyan kita , hindi sa galit ako , pero kung ganito lang talaga gagawin mo . Mas mabuti pang sumunod nalang ako kung anong gusto mo . Walang pansinan ? Fine ! Walang usapan ? Fine !
" Sorry " mahinang sabi ko bago umalis sa tabi niya . Alam kong rinig niya iyon kahit mahina lang . Paghihingi ko iyon ng tawad kung anumang nakasakit sa kanya ang nasabi ko ng maglabas ako ng sama ng loob at kung anumang nagawa ko sa kanya na hindi niya nagustuhan kaya niya ginagawa ito .
Umakyat ako sa bleachers at umupo sa pinakasulok na malayong malayo kung nasaan siya . Masakit mang gawin kung anong ginagawa mo ngayon saken Kent , pero kakayanin ko . Yan gusto mo e ! Sana mapanindigan mo !
Isinikisk ko ang sarili ko sa sulok at niyakap ang sarili kong mga paa . Iniubob ko doon ang sarili ko at doon umiyak nanaman ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako . Pero bago pa man ako tuluyang makatulog ay mar narinig akong nagsalita , ngunit napaka hina lang non ...
![](https://img.wattpad.com/cover/20631181-288-k83551.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Teen Fiction[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...