KASALUKUYAN akong nagluluto ng hapunan nitong 5 GWAPO naten . Anong nagyare kanina ? sinermunan lang naman nung apat si Kent . Kung bakit tumutulong pa daw siya kung ipapabayad lang din naman niya . Sabi ni Ralvin sa kanya . Naku ! kaya lalo akong naiinlove sa babaerong yun e’ .
“ Here’s my specialty Today “ sabi ko , sabay lapag ko ng ulam sa lamesa . Nangtatakam na tinignan nila iyon .
“ Ano iyan Coreen ? “ tanong ni Braggy habang pinagkikiskiskis ang mga palad at takam na takam na nakatingin dun sa ulam na nasa harapan nila ngayon .
“ Ulam malamang . Ikaw talaga Braggy , ayusin mo nga yang tanong mo “ Jace
Napanguso lang si Braggy . ^_^ Ang cute .
*kulbit*
Tinignan ko yung kumalabit saken . Si Kent .
“ Hmm? “
Bigla siyang ngumuso . Nung una hindi ko gets , pero sinundan ko lang kung ano yung nginungusuan niya . Pagtingin ko yung bowl , na hawak ko pa pala kahit na nakalapag na sa lamesa .
“ Ahhh’ . Ito nga pala ang specialty ni inay . Kare-kare “ napa wow silang lahat sa sinabi ko . “ O sige na ‘ kain na kayo “
“ Tayo ! “ sabay hila saken sa tabi niya “ Kain ka na din “ Kent
Napatitig lang ako sa kanya habang sumasandok na siya ng pagkain niya . Bakit ang bait niya yata ngayon ? kelan pa ? o talagang BIPOLAR lang itong taong ito .
Napaiwas ako ng tingin ng lumingon siya saken , psimple naman akong sumandok ng kanin >_< .
Parang wala yata akong ganang kumain ngayon . Oo nga pala , kaya pala wala ay dahil pinakain pala ako ng sandamakmak na lugaw ni Kate :3 yung bruhang yon ‘
“ Hindi mo yata ginagalaw ang pagkain mo Coreen ? “ Ralvin
Nilingon ko si Ralvin at nginitian muna ito bago sumagot . Siyempre dapat magpacute ka muna sa CRUSH mo , hahahaXD .
“ Busog kasi ako e’ “
“ Ha ? ano bang kinain mo at busog ka ? “ Braggy
“ Pinakain kasi ako ng maraming lugaw ni KATE “ Kita ko naman si Jace sa peripheral view ko na sumimangot haha . Natatamaan na si Bato .
“ Oh ano naman kung marami kang nakain ? Lugaw lang naman yun ah ? “ Leslie
Napailing nalang ako . Ang mayayaman talaga , walang alam .
“ Wala talaga kayong alam “ napaatras ako sa kinauupuan ko ng bigla nila akong bigyan ng matatalim na tingin . “ I mean , ang lugaw po kasi mabigat sa tiyan , na kahit isang mangkok palang ang makain mo mabubusog ka na “ nawala ang masamang tingin nila saken . At tumango-tango nalang sila at ipinagpatuloy na nila ang kanilang pagkain .
“ Saan ba yang lugawan ni Kate ? “ tanong ni Leslie
Sasagot n asana ako ng biglang nagsalita si Jace .
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Jugendliteratur[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi&amp;amp;lt;3 Join kayo sa...