ABatA5G # 24
Nasa bahay na kami ngayon ni Tita Alix . Infairness umaasenso na si Tita ALix dahil lumaki na ang bahay niya ngayon , kesa noon nab ago namin nilisan ng pamilya ko ang lugar na ito ay kubo palamang ito .
“ Masagana po yata ang ani Tita Alix ? “ nakangiting tanong ko . Nakaupo kaming animmngayon sa mahabang sofa . Buti nga’t nagkasya pa kami e .
“ Sinabi mo pa Coreen , kaya nga napaitayo ko ng bato ang bahay namen e’ “ – natatawang sagot ni Tita Alix
*kulbit*
Nilingon ko ang kumulbit saken na si Kent .
“ Kubo ba ito noon ? “ bulong na tanong niya . I nod . na ikina ‘ahh’ niya habang tumatango-tango pa .
“ Nga pala “ ibinaling ko ang tingin k okay Tita Alix “ Nasaan pala ang mga magulang mo Coreen ? hindi ba ako dadalawin ng kapatid kong baliw na mas pinili pang mamuhay sa Maynila kasama ang bago niyang asawa kesa sa makasama kami ? “ – Tita Alix
Napayuko ako sa tinanong ni Tita . Napilitan lang naman si Inay na manirahan doon dahil sa magaling kong lasinggerong ama-amahan e .
“ Sorry po sa nagawa noon ni Inay Tita Alix “ paghingi ko ng paumanhin . Paano kaya kung hindi nakilala ni Inay yung lasinggero niyang asawa ngayon ? dito kaya ako lumaki ? makikilala ko ba sina Kate at ang 5 gwapo ? magiging kapatid ko pa kaya si Loreen at Doreen ? *sigh* Pero nagpapasalamat parin ako dahil nakilala niya , dahil kung hindi , wala lahat ang mga binaggit ko ngayon .
“ It’s okay Iha , naiintindihan ko naman ang Nanay mo . Ang hindi ko lang talaga maintindihan sa kanya ay yung lumayo sila dito . Nandito lahat kami ng mga kapatid niya , samantalang siya lang ang nakahiwalay “ Tita Alix
“ Sa pagkakaalam ko po , si Martin ang may gusto na lumayo sila dito “ tumango siya sa sinabi ko “ Ay Tita Alix , gusto niyo po bang makita si Loreen at Doreen ? anak po ni Inay kay Martin “ nakita kong nagliwanag ang mga mata ni Tita Alix . Kahit yata hindi tanggap ni Tita Alix si Martin , ay hindi magbabago ang tingin nito sa mga naging anak nila ni Inay . Kung sabagay , wala naman silang kasalanan e .
“ Nasaan ? pakita nga ako “ Tita Alix
Kinulbit ko si Kent at inilahad ang kamay ko sa harapan niya .
“ Peram ako ng phone mo “ kumunot naman ang noo nito “ Ipapakita ko lang kay Tita Alix yung pictures ni Coreen at Loreen , meron ka namang pictures nila hindi ba ? “ kunot noo parin niyang kinuha ang phone niya sa bulsa niya sabay abot saken “ Salamat “ walang ganang pasasalamat ko at inirapan siya . Mukhang ayaw pa yata akong pahiramin e .
Kinalikot ko na ang phone ni Kent . Buti nalang na kahit wala akong phone ay marunong akong gumamit , hinihiram ko kasi minsan ang phone ni Ralvin e’ o kahit na sino sa kanila kapag trip kong maglaro ng Zombie Tsunami ^_^ .
“ Heto po Tita “ sabay abot ko sa kanya ng Phone na agad naman nitong kinuha sa kamay ko .
“ Wow ! ang gaganda talaga ng mga lahi ng Cornwell , nahaluan nga lang “ natawa nalang ako sa sinabi ni Tita . For sure si Martin ang sinasabi niya . “ Ilang taon na si Loreen ? “ Tita Alix
“ 10 po , tapos po si Doreen , 5 “ tumango-tango si Tita Alix .
“ Pinanindigan tala ng Ina mo na lahat ng magiging anak niya ay may Reen noh ? “ – Tita Alix
“ Oo nga po e ‘ “ nagngitian nalang kaming dalawa ni Tita . Na ikwento na sa akin noon ni Inay kung bakit may Reen lahat ang pangalan namen , at yun ay dahil sa tatay kong pumanaw na si Reen Cornwell ang tunay na kapatid ni Tita Alix . Masaya ako kahit paano , dahil kahit wala na si Tatay ay may puwang parin siya sa puso ni Inay . “ Tita , salamat po at tanggap niyo ang mga kapatid ko kahit hindi niyo na po sila kadugo “
“ Ano ka ba ? . Kahit anong mangyare , tatanggapin at tatanggapin ko parin ang magiging kapatid mo sa Nanay mo . Kahit sabihin mong hindi ko na sila Dugo , nanggaling parin sila sa sinapupunan ng Nanay mo na naging unang asawa ng kapatid ko “ – Tita Alix
Napangiti ako . Sana lahat ng mga Auntie na katulad ni Tita Alix ay katulad niya . Akala ko kasi nung una , hindi niya matatanggap sila Doreen dahil unang una , hindi niya ito kadugo pa .
“ Maraming salamat po Auntie “ nginitian ko lang siya at ganun din saken .
“ O sha Iha! Maiwan ko muna kayo “ – sabay tayo ni Tita
“ Saan po ang punta niyo Tita ? “ tanong ko at tumayo na rin .
“ Sa bukid sisilipin ang pananim, sama ka ? “ Tita Alix
“ Opo ^_^ , kayo ? sasama kayo o maiiwan ? “ tanong ko dun sa lima
“ Sasama ! “ sabay-sabay nilang sagot .
“ Kung ganun , tayo na’t humayo dahil medyo may kalayuan ang bukid dito “ Tita Alix
“ Maglalakad ba tayo ? “ tanong ni Braggy , sasagot na sana ako ng maunahan na ako ni Auntie
“ Hindi , may sasakyan tayo “ taas babang kilay na sagot ni Tita habang pilyo na nakangiti .
“ Yes ! “ 5 gwapo
-____- magsaya kayo , tignan naten kung makapagsaya pa kayo kapag nalaman niyo kung ano ang sasakyan naten mamaya . hmp! *smirk*
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Teen Fiction[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...