-_______-
Ayoko na ' suko na ako ! Hindi ko na kaya .
Bakit ?
Ang daming costumers dito sa Kate's Lugawan Republic ( K'sLR) . Hindi na kaya ng powers ko , kahit pa sabihin mong napaka rami naming crew dito' kulang pa din . >__< Waaa~
" Oh my God ! " yan nalang ang nasabi ni Kate ng makarating siya sa K'sLR . " A-anong ... " Kate
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita ng higitin ko siya papasok ng office niya . Nabigla man siya , pero sumunod narin siya saken .
Binatawan ko siya ng makarating na kami sa loob .
" Ano kasing naisipan mo at tinaggap mo ang limang iyon ? " takang tanong ko sa kanya at binalingan ko siya ng tingin .
Nakatitig lang siya saken habang nanlalaki ang mga mata niya . Nabigla nalang ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit .
" Ooohh! , Kate . Mahigpit . I can't breath " sabi ko habang nahihirapan akong huminga dahil sa pagkakayakap niya . Bigla naman niya akong hiniwalayan ng pagkakayakap , pero nakahawak ito sa braso ko at nakatitig sa mga mata ko .
" I love you too " nakangiti niyang sabi . Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya .
" Ha ? " takang tanong ko . Nag I love you too ba ako sa kanya ?? Hindi naman hindi ba ? . Pinalo niya ako sa braso na lalong ikinapagtaka ko sa kanya .
" Hindi ka nanuod ng She's Dating The Gangster noh ? Naku !! . I can't Breath means I love you " Kate . Lalong kumunot ang noo ko sa kanya .
" Sino naman nagsabi niyan ? atsaka paano napunta ang usapan naten diyan ? . Sagutin mo nga tinatanong ko sa'yo ' bakit mo tinanggap yung lima ?? " pang-uulit na tanong ko
" Chill " sabi niya at umikot sa lamesa patungo sa swivel chair niya . " Ayoko naman silang tanggapin e' , pero parang hindi mo naman kilala ang limang iyon , ay oo nga pala apat lang ' napilitan lang naman pala yung isa doon . " Kate
Napasapo nalang ako sa noo . Ibang klase talaga sila . Kailan ba sila matututo ? kailan ba nila matututuhan na ' hindi lahat ng gusto nila nakukuha nila , at hindi lahat ng gusto nila nabibili nila . Aish !
" Hay ! , kailan ba sila magtitinong lima ? ang sakit na nila sa bulsa "
" Oh ? anong konek ng bulsa mo sa limang iyon ? " Kate
Ano nga ba ?
--
Nakatambay kaming lahat ngayon sa iisang lamesa . Lahat kami' halatang halatang pagod . Haggard much !
" Pare , ang sakit ng katawan ko ! " reklamo ni Braggy
" Sino ba'ng hindi ? " Jace
" Kasalanan niyo yan , magtrabaho ba naman kayo dito . E anong napala niyo ngayon ? " hindi sila nakasagot . Tinapik naman ako sa kamay ni Kate na ikinatingin ko sa kanya . Pero hindi siya nakatingin saken kundi doon sa lima .
" Ahmm... maraming salamat pala sa inyo ha ? " Kate
Salamat ? bakit siya nagpapasalamat ? e hindi ba nagtratrabaho yang mga yan ? Trabaho naman ng mga crew ang magsilbi hindi ba ? anong pinasasalamatan niya ?
" Ahm.. a- wala iyon Kate , kasama naman sa trabaho namen iyon e' , hindi ba ? " Leslie
Naningkit ang mga mata ko at isa isa ko silang tinignan , hindi sila makatingin saken ng daretso . May itinatago itong mga ito saken . I know them . Kung nagsasabi sila ng totoo , they look at me eye to eye .
" A-ahmm.. Coreen , hehe " nilingon ko si Jace ng naninigkit ang mga mata , nakita ko naman siyang napapalunok . May hindi sila sinasabi saken .
" Ako nalang kutong Lupa " singit ni Kate na ikinasama ng tingin ni Jace sa kanya . Ganda ng indearment noh ? Kutong Lupa at Lintang sariwa , o daba ? destiny ! HahahahAXD . " May hindi pa pala ako sinasabi sayo " nilingon ko si Kate na may halong pagtataka . Sinasabi ang alin ? " Pumayag ako na magtrabaho sila dito dahil .... They want to help you . Maganda naman ang intensiyon nila kaya pinayagan ko silang magtrabaho dito . At ang sasahurin ng limang yan " pinagtuturo niya ito ng isa-isa " Ay idadagdag ko sa Sweldo mo " Kate
Napalingon ako sa kanila ng wala sa oras , isa isa naman silang nag-iwas ng tingin saken . Masyado naba akong mabait para bigyan ng mga kaibigan na ganito kababait ? Anong ginawa ko para ibigay sila saken ?
Naramdaman ko namang may likidong tumulo sa mga mata ko , pero agad ko rin iyong pinunasan dahil nakikita kong natataranta sila kung paano pupunasan ang luha ko . Natawa nalang ako sa kanila .
" Mga Pare " sambit ko habang humihikbi .
" Coreen " silang lima . Bakas sa boses nila ang pag-aalala . Tumayo ako at patakbong lumapit sila at sabay sabay ko silang niyakap . Bumuhos nanaman ang mga luha ko .
" Salamat mga Pare "
Kung paano ko sila niyakap ?? tinayo ko sila isa-isa at ipinabilog . Pumunta ako sa tabi ni Ralvin at sa kabila si Kent -___- doon ako yumakap para libre narin sa tsansing . Hehe
" Wala iyon Coreen , basta para sa'yo " Ralvin Bebe !
Kumawala na ako sa yakap . Pinalo ko sa braso si Kent , habang pinupunasan ko mga luha ko . Lumayo naman siya saken .
" Yuck ka ! , bakit mo ako pianangpupunas ? wala ka bang panyo ? " sabi nito habang pinupunasan ng scarf ang parte ng damit niya na pinalo ko kanina . Arte -___-!
" FYI . Hindi kita pinangpupunas , hinampas kita . Arte nito ! Para namang ang dumi ng luha ko " sabi ko , bigla namang may nag-abot ng panyo saken , pagkatingin ko si Ralvin Bebe . Walang anumay' kinuha ko iyon at nagpasalamat . " Mababayaran na kita " sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin .
" No need . Barya lang naman para sa akin iyon " rinig kong sagot niya
" Yea' right ! Pero sa katulad ko ' ginto na iyon ! " sabi ko habang pinupunasan ang basa kong mukha . Hinarap ko si Ralvin at nginitian . " Lalabhan ko muna ha ? " tumango nalang siya habang nakangiti saken . Inilipat ko ang tingin k okay Kent na nakatingin lang sa iabng direksiyon at parang nag-iba ang aura niya . Anyare ??
Hay ! , maniniwala na ba ako sa kanya ? pero naiinis parin ako . Kahit siya pa ang may gawa sa lahat ng bagay , hindi ko parin maalis sa isip ko na sisishin siya sa mga nangyayare sa buhay ko . Oo nagpapasalamat ako sa kanya ngayon na ' binigyan niya ako ng mga KAIBIGAN , pero kinamumuhian ko siya kung bakit niya kami binigyan ng ganitong buhay . Aish !
~~~~~~~~
Masayang pagbabasa :)
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Novela Juvenil[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi&amp;amp;lt;3 Join kayo sa...