ABatA5G#45
" Sino daw ? " rinig kong tanong ni Leslie at nakita ko ito sa gilid ng mga mata ko na inilapit nito ang kanyang tenga kay Braggy " Ano yung sinabi niyang panga--- " hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ko na ang bibig niya gamit ang kamay ko .
" Manahimik ka diyan ! " saway ko sa kanya at itinanggal ang kamay ko na pinangtakip sa kanya . Nakita ko ulit ito sa gilid ng mata ko na itinikom niya ang kanyang bibig na parang izinipper iyon .
" X-xie-rr-a " bigkas nito habang nanatiling nakapikit ng mariin na para bang iniinda nito ang masakit niyang katawan .
" Coreen sino ang tinatawag niya ? " tanong ni Leslie na malapit na ang mukha nito saken . Umiling ako , dahil hindi ko rin masyadong maintindihan . Pero parang ... parang narinig ko na yung sinasabi niya . Hindi ko lang makumpirma dahil paputol putol niya itong sinasabi .
" X-xier-rr-a "
" Xierra ? sino si Xierra ? " takhang tanong ni Leslie ng marinig na namen ito ng malinaw . Nakita kong tumayo ng maayos si Leslie at nilingon ang dalawa atsaka nagtanong . Ako naman ay nanatiling nakatingin lang kay Braggy at pilit na inaalala kung saan ko narinig ang pangalan na iyon . Xierra ? ...
Xierra ? hindi kaya siya yung ... OMJ ! Siya yung babaeng nakausap ko sa hardin ng unibersidad .
" Xierra Lincollin " yun nalang ang tanging nasabi ko sa sarili ko . Rinig kong magtatanong pa sana si Leslie pero naputol na agad iyon ng umalingawngaw ang napakalakas na pagbukas ng pintuan ng kwarto ni Braggy na ikinalingon naming lahat .
Si Jace iyon , kasama ang isang babae na pinaghinalaan ko lang kanina na isa siya sa mga humahanga sa limang gwapo na gusto lang makalapit.
" Witwiw ! Pare chicks mo ? " - Leslie
" Ulol ! " - Jace
" Braggy ! " tumakbo ito patungo kay Braggy na ikinasunod ko lang sa kanya ng tingin . Nang makalapit na siya kay Braggy ay agad na niya iyong sinunggaban ng yakap . Kita ko rin ang paghagulgol nito sa pag-iyak dahil sa pag galaw ng kanyang mga braso .
" X-xierra " tawag ko sa kanya . Unti-unti naman nitong iniangat ang kanyang tingin saken .
" K-kilala mo siya Coreen ? " nagtatakhang tanong ni Leslie ngunit hindi ko nalang iyon pinansin . Nabigla yata ito ng makita niya ako .
" H-hindi ba ikaw yung--- " napayuko ako
" A-ako nga . Humihingi ako ng dispensya sa mga nasabi ko sa'yo kanina ... sorry kasi hindi ko naman alam e " nakakahiya talaga kanina yung ginawa ko . Kung anu-ano na yung inisip ko sa taong nasa harapan ko ngayon gayon namang totoo naman pala ang kanyang sinasabi .
**
Hindi ako umuwi ng bahay at nanatili lang ako sa hospital kasama ni Xierra at ng apat na gwapo . Kasalukuyan na ngayong mahimbing na natutulog ang apat dahil hating gabi na , pero kaming dalawa ni Xierra ay gising na gising parin ang mga kaluluwa na nasa magkabilang gilid ni Braggy habang masayang nagkwe-kwentuhan tungkol sa kanilang nakaraan noon ni Braggy .
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Fiksi Remaja[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...