ABatA5G#76
Coreen's POV
Gaya nga ng sabi ni Kate ay hindi na ako pumasok ng school ngayong araw . Pagkauwi ko nga kagabi muntik pa akong paluin ni Inay ng kawali dahil akala niya may nakapasok ng magnanakaw dahil hindi daw ako nito nakilala . Ganun na ba talaga ako kalala nag-evolve kaya hindi na nila ako nakilala ? . Hay !
" Pupunta po kayo ngayon kay Martin , Inay ? " tumango naman ito , nasa kusina kaming dalawa ngayon . Nag-aayos kasi ito ng mga pagkain kaya naitanong ko iyon " Pwede po ba akong sumama ? " napatigil ito sa kanyang ginagawa at nagtatakhang lumingon saken .
" Akala ko ba ayaw mo siyang makita ? " takhang tanong nito . Nagkibit balikat nalang ako .
" Opo , pero napag-isip-isip ko rin kasi Inay na , kung wala siya , wala ang mga kapatid ko at lalong lalo na hindi ko kayo nakikitang ngumingiti , tulad kanina bago ko kayo tanungin . Hindi naman po sa ayaw ko si Martin para sa inyo Inay , ang ayoko lang kasi sa kanya ay yung lagi siyang umiinom ng alak . Kapag kasi nalasing na kasi siya Nay , hindi na niya alam ginagawa niya e , nasasaktan niya kayo , lalong lalo na ako "
" Coreen ... "
" Hindi habang buhay kamumuhian ko siya Inay . Alam ko sa mga araw na nakakulong siya , ay nagsisisi na siya sa mga kasalanan niyang ginawa . Lahat ng tao ay nagbabago kapag nalaman nila na nagkamali nila , at iyon nga , nalaman lang iyon ni Martin na nagkamali siya dahil nakulong siya . Hindi mahirap magbigay ng second chance Nay , pero mahirap na pong mag bigay ng tiwala " lumapit saken si Inay at niyakap ako .
" Salamat anak at napatawad mo na si Martin " turan nito na halata sa tono ng kanyang boses ay masayang-masaya ito .
" Hindi ko pa po sinasabi na Pinapatawad ko siya Inay , gusto ko muna siyang marinig na naghihingi ng tawad saken bago ko siya patawarin " kumalas naman sa pagkakayakap saken si Inay at tumango ito .
" Halika na puntahan na naten siya ! " sabi nito na hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi , tumango nalang ako kaya bumalik siya sa pag-aayos sa mga dadalhin niya .
-
Nasa kulungan na kami ngayon . Titig na titig ako sa kanya habang ito naman ay nakayuko lamang sa kanyang kinauupuan .
" Kumain ka na Martin , marami akong inihanda para sa'yo " sabi ni Inay habang isa-isang inilalabas ang mga inihanda nito . Ngunit hindi ito gumalaw man lang . Naramdaman kong pinisil ni Inay ang kamay ko na ikinatingin ko sa kanya , nagsusumamo ang kanyang mukha na para bang ibig sabihin nito na ako na ang mag-alok sa kanya .
" K-kumain na po kayo I... Itay " rinig kong napasinghap si Inay ng dahil doon maging si Martin . Hindi naman makapaniwalang iniangatan ako ng tingin ni Martin kaya nginitian ko siya , walang halong hinanakit o anu pa man , isa iyong ngiti na buong puso kong ibinabahagi sa kanya " Kumain na po kayo " mabilis naman itong tumango at sinimulan ng kumain . Habang tinititigan ko siya ng ganuon , ay parang napakasaya niya . Lahat ng mga nakikita ko sa kanya kanina ay nawala lahat na parang bula . At alam niyo bang gumaan din ang loob ko ng tawagin ko siyang Itay ? , napakagaan lang sa pakiramdam . Parang pinagsisisihan ko noon ang sarili ko na hindi ko siya tinanggap bilang bagong Ama ko . Ito na siguro marahil ang dahilan kung bakitn iniwan kami ni Tatay ni Inay .
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Roman pour Adolescents[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...