ABat A5G #3

13.8K 378 7
                                    

“ Nakain mo at naisipan mo akong sunduin ? “ tanong ko ng makalabas na ako ng Apartment at nakita ko siyang nakasandal sa hood ng kotse niya . Iba talaga kapag mayaman , may sari-sarili ng kotse . Inirapan lang niya ako at pumunta na sa Driver Seat . Napakunot ang kilay ko . Wala talagang pagkagentleman itong lalaking ito. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali .

Para wala ng bangayan ang mangyare , sumakay nalang ako sa passenger seat , kung sa likod ako uupo , baka sabihin pa niyang swerte ako , na may gwapo daw akong driver . Feeling pa naman , sarap bangasan .

NAKARATING na kami ng University . Ang name ? Gennaria’s University . ( Tanda niyo yung University ng The USED siya yan . Hehe . Basahin niyo ang The USED kung gusto niyong malaman ) . As i expected . Bumungad nanaman sa harapan ko ang napakaingay na hiyawan ng mga babae . Hindi po ako ang tinitilian , kundi itong kasama kong Blanko ang Expression ng mukha ngayon . Ayaw kasi niyang pinapansin ng mga kababaihan . Pero kahit ano namang gawin niyang pagsusungit sa iba , wa apek parin dahil gumwapo siya lalo . Wag kayo’ sanay na akong tawagin silang lima na gwapo dahil totoo naman .

“ Ang ingay ! “ inis na bulong niya .

“ Anong silbi ng headphone na nakasabit diyan sa leeg mo ? pang display ? isip nga “ tinapik ko siya sa balikat at iniwan ko na siya doon . May PE pa ako at baka ma late pa ako kung sa kanya ako sasabay , maiipit lang ako . Yea’ maiipit . Why ? dudumugin nanaman siya ng babae ng nanghihingi ng num niya . Iba talaga may itchura noh ? ibang Level !!

Pagkarating ko sa Gymnasium , naroon na ang mga Classmates ko . Ako nalang yata ang hinihintay -_______-

“ Ms. Cornwell , you’re late ! “ bungad saken ni Prof . Francis . Ngumiti lang ako at nag peace sign sa kanya na ikinailing nalang niya saken .

“ Hi Coreen “ bati saken nung tatlong bruhang plastic na higad kung dumikit saken para hingian ang num nung lima . Asa sila , kahit punuin nila ako ng papuri hindi ko ibibigay ang mga num nun no ? ano ako tanga ? Never !

“ Hello “ binigyan ko sila ng fake smile sabay talikod sa kanila , iniba ko ang expression ng mukha ko . “ Mga Plastik “ bulong ko at dumaretso na ako sa kung saan ako naka set . Volleyball ang laro namen ngayon . Medyo kaya ko namang maglaro nito , pero mas gusto ko parin ang Basketball .

“ Reen “

Nilingon ko yung tumawag saken , pero binigyan ko siya ng nakabusangot na itchura . Ayokong ayoko na tintawag akong Reen , isa lang naman ang tumatawag saken ng ganyan e’ .

“ Kailangan mong Bruha ka ? “  tanong ko sa kanya na nakabusangot pa din at nakacrossarm sa kanya .

Natawa nalang siya saken , alam niya niyan na naiinis ako sa kanya dahil sa pagtawag sakin niya ng ganun .

“ Wala naman … Team mate kasi tayo e’ “ Celestine

“ Ano naman ngayon , Celestine ? “ diniin ko ang pagsabi ng pangalan niya . Ayaw kasi niyang tinatawag siyang Celestine e’ , aba malay ko ba diyan sa babaeng yan kung bakit . Pinantirikan niya ako ng tingin .

“ I hate you “ Celestine

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon