ABatA5G#9

10.2K 351 10
                                        

Nasa bahay kami ngayon .

Bakit KAMI ??

Kasama ko lang naman ang 5 GWAPO .

Bakit sila nandito ??

>____<

Kinakausap nila ang ama-amahan ko , para payagan ako na makapagbakasiyon sa probinsiya namen .

Nasa labas nga lang ako ng bahay ngayon , pinalabas ako nung lima . Hindi ko lang alam niyan kung ano ang gagawin nung limang yon para mapapayag lang yung lasingero kong ama-amahan ? . Aish ! wag naman sana nilang idaan sa pera yun . L maglalasing lalo yun e’ baka masaktan pa si Inay . Wala pa man din ako . Hindi ko maipagtatanggol si Inay kung wala ako e’. Ayts ! Sana lang ….

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng biglang bumukas ang pinto .

“ Oh , pumayag ? “ tanong ko sa kanila . Pare-pareho silang nakasimangot . Hindi siguro pinayagan . Hay ! Mabuti narin siguro iyon para mabantayan ko si Inay . “ Sabi ko na kasi sa inyo e’ , ang kukulit niyo kas---“ napatigil ang pagsasalita ko ng mapansing kong unti-unti silang ngumingiti . Take note , sabay sabay .

“ Pumayag ? “ ulit na tanong ko . Mabilis pa sa alas kwatro na tumango-tango sila . Imbis na sumaya , nalungkot pa ako . Maiiwan talaga si Inay ?

“ Oh ? bakit ka malungkot ? ayaw mo ba nun makakapagbakasiyon ka na sa wakas ? “ Kent

Tinalikuran ko sila at bumalik sa kinauupuan ko kanina . Naramdaman ko namang sumunod sila saken at nagsiupuan sa harapan ko .

“ Hindi naman sa ayaw ko . Inaalala ko lang si Inay ….Paano niyo pala napapayag yung lasinggero kong ama-amahan ? “

“ We used our Powers … Aray ! Masakit ha ? “ Braggy

Napatawa ako . Batukan ba naman ng pagkalakas lakas ni Jace si Braggy . Kulang nalang matanggalan ng ulo .

“ Powers … Untugin kita diyan e’ “ Jace

Inambaan lang ito ni Braggy ng suntok . Pinanalakihan naman siya ng mata ni Jace kaya parang napakamot nalang ito sa ulo . Iba talaga mga trip nito .

“ O ano na ? don’t tell me , ang sinasabing powers ni Braggy e yung pera ninyo ? “ walang anumay tumango-tango sila . Napasapo nalang ako sa noo ko . Sabi na nga ba e’.

“ Ginawa lang namin iyon Coreen dahil , ayaw ka talagang paalisin ng ama-amahan mo . At yoon lang ang tangi naming naiisip para mapapayag siya “ Ralvin

Wa apek ka ngayon Ralvin Bebe ! , mas mahalaga parin ang kapakanan ng Inay ko .

“ Oo napapayag niyo nga siya . Oo makakaalis ako . Pero paano naman ang inay ko ? “ natahimik sila “ Ako lang ang tanging nagliligtas kay Inay sa tuwing lasing yang ama-amahan ko . Kaya , ako lagi ang pinapalayas sa bahay dahil pinoprotektahan ko ang inay ko . Paano pa ako makakasama sa inyo kung binigyan niyo ng pang bisyo yung walang hiyang yon . Sige paano ? “ pinunasan ko ang luhang pumatak sa mukha ko . Walang umimik at isa-isa silang umiwas ng tingin .

“ Coreen “

Unti-unti ko namang nilingon si Inay na tumawag saken . Inimuwestra niya ako na pumunta sa kanya . Tumayo ako at tumungo sa kinatatayuan niya .

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon