ABatA5G # 25
Masayang tumungo kami sa likod ng bahay , dahil doon daw ipinarada ni Tita Alix yung sasakyan namen . Gusto niyong malaman kung ano ? mamaya . Malalaman niyo din .
Nagsisimula na akong matawa ng marinig ko na ang malakas na ingay na nanggagaling sa sasakyan namen . Nung mapatingin ako dun sa lima , nakakunot na yung mga noo at napapatakip ng tenga .
“ Anong ingay iyon Coreen ? “ takang tanong ni Ralvin saken .
“ Anong tinatawa tawa mo diyan ? “ – Kent
Anyare nanaman dito ? ang sungit nanaman niya . Meron lang ?
“ Yun po ang tunog ng sasakyan naten patungo sa palayan “ natatawang sagot ko sa tanong ni Ralvin Bebe . Hindi ko nalang pinansin ang naging tanong ni Kent . Bahala siya diyan !
“ Ha ? sigurado ka ? bakit ang ingay ? “ – Leslie
Nagkibit balikat nalang ako , bahala silang manghula diyan . Hahaha Pfft~ .
Nakita kong palabas na sa likod ng bahay si Tita Alix , na sakay na ang sasakyan namen patungo sa palayan . Napahagalpak ako ng tawa ng makita kong nalaglag ang mga panga at nanlalaki ang mga nila na nakatingin kay Tita habang unti-unti itong lumalapit sa kinatatayuan naming anim .
“ Mga Iho , pakisarado ang mga bibig at baka pasukan ng mga lumilipad na insekto yan “ agad naman silang nagsitikom ang mga bibig . Takot nalang nila . “ O sige , sakay na “ Tita Alix
“ Po ? “ silang lima
Naiiling na sumakay na ako sa pogpog . Oo pogpog , ito ang ginagamit talaga sa mga probinsyang ganito . Lalo na’t malayo ang palayan .
“ Bakit mga Iho ? may problema ba ? “ Pero to knowing Tita Alix ? Alam kong natatawa na iyan . Itsura palang niya e’ , halata ng nagpipigil na ng tawa . Nakakatawa naman kasi mga mukha nung 5 gwapo naten e . Napaka PRICELESS ! hahahahXD
Walang gumagalaw sa kanila ni isa at parang ine-espeksiyunan pa nila ang kabuuan ng pogpog . Hindi magbabago ang pogpog kahit titigan niyo pa ng matagal yan . HahaXD
“ Sa-sakay ba kayo o maiiwan kayo ? “ tanong ko sa kanila sa kabila ng pagpipigil ko ng tawa . Grabe ! Ngayon lang ako nakatawa ng ganito ah ?
“ Safe ba ito Coreen ? “ – Braggy
“ Oo naman , atsaka hindi naman tayo dadaan ng highway . Sa bukid tayo dadaan kaya safe tayo “
“ Ito na talaga ang sasakyan naten ? walang halong biro ? “ – Jace
“ *iling* wala na . Sakay na kayo , wala ng maraming tanong . Atsaka para ma experience niyo na rin ang sumakay sa pogpog “
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Teen Fiction[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...
