ABatA5G#51
The day running fast hanggang sa uwian na . Hindi ko na nakita ang limang gwapo bago ko nilisan ang GU . Tumungo muna ako sa shop para tignan yung mga nagtra-trabaho .
Pero sandali lang ako doon at agad din akong umuwi . Nang matapat ako sa mansion nila Kent ay nagtakha ako kung bakit madilim sa kanilang loob . Lagi mang parang walang tao sa loob nila , pero hindi naman nawawalan ng ilaw sa loob nila lalo't pagabi na .
Hahakbang na sana ako patungong gate nila Kent ng bigla kong narinig ang pagtawag saken ni Inay kaya hindi na ako tumuloy .
" Kamusta sa skwelahan ? " tanong nito pagkatapos kong halikan ito sa pisngi .
" Mabuti lang naman po Inay . Medyo nakakapagod lang po nang kaunti dahil kakatapos ko lang po kanina maglinis ng library bago ako umuwi " tumngo-tango lang naman si Inay . Umupo naman ako sa upuang kahoy na pahaba sa sala namen " Si Doreen po pala ? "
" Maagang natulog ang kapatid mo , napagod yata kakalaro kasama ni Kent " nabigla ako sa sinabi ni Inay . Naglaro sila ni Kent ?
" Anong oras po iyon Inay ? "
" Mga alas tres ng hapon nang hiramin niya ito at nung iniuwi dito si Doreen sa bahay ng mga 4:30 na siguro " napatango-tango ako . Kung sabagay , alas tres ang uwian ni Kent . Hindi gaya saken na late na ng kaunti . Ang maagang ui ko siguro ay mga 5 pm na exact . Minsan lang ako nakakatakas sa trabaho sa Library kapag kasama ko ang 5 gwapo e , e wala lahat sila kanina kaya ayun , umabot ako ng 6 pm .
" Ahmm ... Nay ! " should i asked here kaya kung bakit walang ilaw sa mansion nila Kent ? .
" Hmp ? " sagot nito habang nasa kusina at may ginagawa
" Wala po bang tao kila Kent ? hindi po kasi nakasindi ang mga ilaw nila sa loob e " tumayo ako't hinubad ko ang doble ko kaya nakasando nalang ako ngayon , nainitan kasi ako e . Bago ko narinig sumagot si Inay ay pumunta muna ito sa likod ng pinto para punasan ang kanyang kamay sa twalyang nakasabit sa pinto .
" Hindi mo pa ba alam ? " nagtakha ako sa sinabi nito
" Na ano po ? "
" Lumipat na ng mansion sila Kent , hindi na sila nakatira diyan kaya wala ng ilaw na nakabukas . Hindi ba sinabi sa'yo ni Kent ? " umiling ako sa sinabi niya ng wala sa sarili .
Hindi na sila nakatira diyan ? pero bakit ? saan ? atsaka ... bakit wala naman siyang nababanggit samen na lilipat na sila ng mansion ? . Ito na ba ang sinasabi niya kanina ? .
" Pa-pasok na po ako sa loob ng kwarto ko " wala sa sariling sabi ko , hindi ko na nahintay ang sinabi ni Inay ng naglakad na ako papasok ng kwarto ko . Humiga ako sa papag ko at doon na bumuhos ang luha ko at hindi ko alam kung bakit .
Bakit hindi man lang niya sinabi saken 'to ? bakit hindi man lang niya sinabi samen ? . Tumagilid ako't humagulgol na ng iyak .
" Bakit ako nagkakaganito ? bakit ako naapektuhan ? " tanong ko sa sarili ko at niyakap na lamang ang unan na nasa gilid ko at inubob ko din ang mukha ko doon . Dapat pa nga masaya ka Coreen hindi ba ? dahil wala ng bakulaw na mang-aasar sa'yo . Pero bakit ganito ? bkit ako umiiyak ? .
![](https://img.wattpad.com/cover/20631181-288-k83551.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Novela Juvenil[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...