ABatA5G # 23
Naamoy ko na ang simoy ng probinsya namen ^_^ . Gurabe ! ilang years din akong hindi nakapunta dito . Waa~ kamusta kaya ang mga pinsan ko doon ? nung huli ko yata silang nakita mga kasing laki ko lang sila nung 5 years old ako . Ngayon kaya ? ano na kayang mga itsura nila ngayon ? gaano na sila katangkad ? mas matangkad na kaya sila saken ngayon ? waaa~ hindi na ako makapaghintay !
“ Nasa lugar na tayo sa nakasulat na address na ibinigay ng Inay mo Coreen , alam mo ba kung nasaan ang bahay ng Tita mo ? “ – tanong ni Leslie habang nag da-drive .
>_< paktay ! Yun lang ! Bakit hindi pa ibinigay ni Ina yang Address ni Auntie ? *pout* si Inay talaga , kahit kelan .
“ Hindi ko alam Leslie , pero sa pagkakaalam ko , si Auntie ay kilala ng lahat ng mga taga rito dahil sa kanyang sakahan “ oo naalala ko iyon dahil sa bukid kami noon naglalaro ng mga pinsan ko habang hinihintay namen ang mga magulang namen na nagtatanim ng palay .
“ Sige , magsisismula na akong magtanong “ – Leslie
Tumango nalang ako , kaya binagalan na nito ang pagpapatakbo sa sinasakyan namen at huminto sa isang may tindahan .
“ Hoy gumising na kayo ! Nandito na tayo ! “ gising ko sa apat na mahimbing kung matulog . Tsss ! daig pa ako . Isa-isa naman silang nagising at humikab . Tumayo narin yung lalaking nakahiga sa hita ko . -___- nangalay ako dun ha ?
“ Kyaaaa~ ang gwapo ! Kuya anong pangalan mo ? “
“ Ako si Leslie , pwede bang magtanong ? “
-____- Bakit kailangan pa kasing bumaba ni Leslie ? pwede namang makipag-usap ng nasa Van nalang e’ . Kuyugin pa siya diyan , lalo na’t gwapo siya .
“ Naman ! Kahit anong tanong pogi , sasagutin ko ! “
“ Ingay naman nung babaeng yun ! “ – Kent
Tumango-tango lang ako sa sinabi ni Kent , tama ang ingay nga niya . Pero parang pamilyar yung boses . Tinignan ko ito mula sa bintana , buti tinted ito at hindi ako o kami kita sa labas .
“ Sandali “
Nakita kong lumapit sa Van si Leslie , kumatok ito sa bintana na kaharap ko kaya pinag buksan ko siya ng bintana .
“ KYAAAA~ “ tili nanaman nung babae na pinagtatanungan ni Leslie
“ Ano iyon ? “
“ Anong pangalan ng Auntie mo ? “ – Leslie
“ Alix , Alix Cornwell-Hidalgo “ sagot ko , nabigla pa kaming dalawa ni Leslie ng biglang sumingit sa usapan naming yung babae .
“ Anong kailangan niyo kay Mama ? “
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Teen Fiction[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi&amp;amp;lt;3 Join kayo sa...
