ABatA5G#47

6K 188 16
                                    

ABatA5G#47

Coreen's POV

Na discharged na si Braggy kahapon at heto kami ngayon . Tambay mode sa loob ng apartment . Ewan ko sa mga ito at naisipan nanamang tumambay dito e hindi naman ako pinalayas ng hukluban kong ama-amahan -_- . Speaking of hukluban , naaan pala iyon at ilang lingo ko ng hindi nakikita ? .

" Bakit hindi ka sa inyo tumuloy Braggy ? kailangan mong magpahinga , baka mabinat yang paa mo " paalala ko sa kanya . Concern lang ako dahil sabi ng doktor , na kapag hindi siya nagpahinga at hindi niya pinakaingatan ang paa niya , pwede itong hindi na makalakad . Aba ! Ayoko namang maging ganun si Braggy , paano ang couple na Xieggy kung pilay na ang mokong na ito " O kaya pinuntahan mo nalang sana si Xierra at ng may magawa ka namang maganda ! "

" Why he doing that ? pagkatapos niyang sigaw-sigawan si Xie at paalisin sa hospital may lakas pa siya na loob na kausapin pa ngayon ang pinsan ko ? " tumayo si Jace sa kinauupuan niya at binigyan ng nakakamatay na tingin si Braggy " At ngayong wala ka na sa hospital , baka pwede ko ng gawin sa'yo ang hindi ko nagawa nang saktan mo ang pinsan ko " nakangisi nitong sabi at ikinuyom ang dalawang kamao at pinagsalubong iyon .

" Hala ka ! " sabi naman nung tatlo , tumingin naman ako kay Braggy na ngayon ay namumuo na ang pawis sa kanyang noo at nahihintakutan na nakatingin kay Jace habang napapalunok ito . Napailing nalang ako sa nakikita ko , may nakita akong isang plastik na bagay kaya dinampot ko iyon at mabilis na binato sa ulo ng lalaking ngayon ay papalapit kay Braggy .

" Coreen ! Bakit mo ako binato ? " ungol nito habang nakahawak sa ulo na tinamaan ko . Nilingon ko lang siya ng may pagkabagot .

" Kapag dumampi yang kamao mo kahit saang parte ng katawan ni Braggy , Jace ikaw ang susunod kong lulumpuhin " mabilis namang tumabi saken si Braggy at sumiksik saken ito na parang bata .

" Pero narinig mo naman kung paano niya sigaw-sigawan si Xierra hindi ba ? " - Jace

" Oo narinig ko , hindi naman ako bingi para hindi marinig yun e . Napagsabihan ko na si Braggy , kaya wag kang masyadong takuri diyan "

" Anong konek ng takuri ? " sabay na tanong nung tatlo ( Kent , Ralvin and Leslie .

" Heh ! " saway ko at pinandilatan ko sila ng mga mata .

" Pero hindi sapat ang sermon lang Coreen , ilang araw parang wala sa sarili ang pinsan ko at bigla-bigla nalang itong iiyak tapos yun lang ang gagawin naten sa g*gong to !? " sabay turo nito kay Braggy

" Hoy hindi ako g*go ! " reklamo ni Braggy

" Manahimik ka diyan , g-ago ka naman talaga e "

" Hahahahaha " yung tatlo

" Coreen naman e " nakanguso nitong sabi

" Bakit ? totoo naman e " lalo naman itong napanguso ng dahil sa sinabi ko , akmang magsasalita nanaman siya ng takpan ko na ang bibig niya gamit ang tisyung hindi ko alam kung saan nanggaling >_< " Manahimik ka diyan , kinakausap ko pa si Jace " at inirapan ko pa ito " Umupo ka , masakit ka sa leeg " sabi ko kay Jace na agad naman niyang sinunod . Ang sakit kayang tumingala >_< ang tangkad pa man din niya .

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon