ABatA5G#62
Nakaupo ako ngayon sa upuan na kahoy sa sala namen habang hinahabi ang tali na gagawin kong bracelet para kay Kent . Bata palang ako marunong na akong gumawa nito . Hindi naman talaga tali ang tawag dito , may tawag dito e ang kaso nakalimutan ko na at ganun din yata si Ms A , diba ?
*Yhep ! Alam mo naman pala tinanong mo pa ?*
*Sungit talaga . Kailangan lang naman ng konpirmasyon e*
*K.Fine*
*Chungit *ble*
" Ate ! Ate " inhinto ko naman ang ginagawa ko at hinarap ang kapatid ko na nakadagan sa hita ko .
" Ano iyon Doreen ? "
" Gusto ko sa birthday ko Ate may games " masayang sabi nito
" Oo naman , wag kang mag-alala , sasabihin ko iyan kay Kuya Kent mo " sabay pisil ko ng mahina sa pisngi nito .
" Yehey ! gusto ko yung paranggawan , atsaka yung kagatan ng mansanas at ubusan ng saging " bahagya naman akong nabigla sa sinabi niya .
" Kagatan ng mansanas ? ubusan ng saging ? saan mo naman nakuha ang mga palarong iyan Doreen ? " inilagay nito sa ilalim ng kanyang baba ang hintuturo nito at iniangat ang tingin sa kisame in short nag-iisip po siya .
Aba ! Nakakahimala yata at nag-iisip ang batang ito , ano kayang nakain nito ? haha .
" Yung kagatan ng mansanas Ate , kay Ylmia ko nakuha . Yung naman po sa ubusan ng saging Ate , kay Mariaposa ... Masaya daw yun Ate "
" Sabi nga nila , pero sige-sige sasabihin ko yan kay Kent " bigla naman ako nitong niyakap kaya niyakap ko nalang rin ito pabalik .
" Thank you Ate "
" Wala iyon , kay Kuya Kent ka dapat magpasalamat at hindi saken Doreen , okay ? " tumango naman ito " Nga pala Doreen " hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at hinarap saken , malapad naman ang ngiti ko " May ipapakilala pala ako sa'yo sa birthday mo "
" Huh ? sino naman iyon Ate ? "
" Makikilala mo rin siya sa birthday mo " sabay gulo ko sa buhok nito
" Yieee bagong kaibigan mo ba yan Ate ? gwapo ? kasing gwapo ni Kuya Kent ? " sunod-sunod na tanong nito na ikinakunot ko ng dalawang kilay ko .
" Anong sinasabi mo ? hindi no ! Ikaw bata ka , alam mo na ang gwapo sa hindi noh ? " humagikgik naman ito " Basta , malalaman mo rin sa birthday mo okay ? " napalitan naman agad ang kanyang hagikgik na nguso .
" Okay "
" Sige na , makipaglaro ka na kay Ate Loreen mo " tumango naman ito at nagtatakbong tumungo sa kwarto nila ni Inay at Loreen . Napailing naman ako habang nakangiti at ibinalik ko na ang tuon ko sa ginagawa kong bracelet .
" Oh ? buti gising ka pa Coreen " napaangat naman ako ng tingin ng biglang magsalita si Inay na kakauwi lang . Tumayo naman ako at sinalubong siya ng halik sa pisngi .
" Maaga pa naman po Inay e " ngumiti nalang ito saken kaya sinuklian ko naman iyon . Sinundan ko naman ito ng tingin ng magtungo ito ng kusina at inilagay sa lababo ang mga kagamitan na dala niya , o pinagkainan ni Martin .
Bumaba ang dalawa kong kilay dahil sa lungkot na nakikita ko kay Inay sa mga mata at ikinikilos nito . Alam ko naman ay kahit ganoon si Martin ay mahal parin siya ni Inay , e si Martin kaya ? mahal kaya niya si Inay ? . *sigh* bakit kasi kailangan pang agad mawala si Tatay samen ?
" K-kamusta na po si M-martin ? " nagdadalawang isip kong tanong . Kung ako lang kasi mas maganda pang wala dito yung si Martin , pero sa nakikita ko kay Inay , parang hindi nito kaya .
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Teen Fiction[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...
