ABatA5G#69
Coreen's POV
Nasa mall ako ngayon kasama si Ralvin , nagpasama kasi ito na bumili ng cake para sa Mommy niya dahil kaarawan daw nito ngayon . Napakaswerte ni Tita Silvia dahil nagkaroon siya ng anak na tulad ni Ralvin at Emily , they're so sweet kaya .
Tumigil ako sa paglalakad na ikinatigil din ni Ralvin , para kasing may sumusunod saming dalawa ? .
" Bakit Coreen ? may problema ba ? " takhang tanong ni Ralvin . Lumingon naman ako sa likuran ko at inilibot ang paningin , ngunit wala naman akong nakitang kakaiba dahil may sari-sarili namang mundo ang mga tao " Sino hinahanap mo ? " - Ralvin
" Ah wala , lika na " at naglakad na muli kaming dalawa .
Nasa gitna kami ng pamimili ng cake ng may biglang nagsalita .
" Ralvin King ? " sabay naman kaming dalawa na lumingon ni Ralvin , parang ako tinawag e noh ? kailan pa kaya naging Ralvin ang pangalan ko ? -_- emeghed !
" Zack ! " kilala siya ni Ralvin ? tatawagin nga ba kung hindi -_- aish nagiging bobo ako ngayong araw *pout* . Nagyakapan naman silang dalawa ng mabilis nung lalaki " Long time no see Pre , kamusta ? " Err long time no see ? sino ba ang lalaking ito ? hindi ko naman siya kilala e .
Tinignan ko ito paibaba hanggang paitaas , medyo familiar siya , hindi ko lang siya matandaan kung nakita ko na ba ang lalaking ito somewhere o hindi pa , pero napakafamiliar niya talaga .
" Haha oo nga e " napatingin naman saken yung lalaki kaya napaurong ako at bahagyang tumago sa likuran ni Ralvin " Woah ! Girlfriend mo ba yang kasama mo ? " bigla naman akong napayuko dahil sa hiya . Siguro kung noon pa sinabi saken ito baka kanina pa ako naglumpasay sa sahig -_- pero wala na talaga e .
" Loko ka , si Coreen yan hindi mo na ba siya nakikilala ? " napaangat naman ako ng ulo ng marinig ko iyon . Kilala ko ba ang lalaking ito ?
" We ? si Coreen yan ? e bakit nakadamit ng pangbabae ? " aba loko to ah ? -_- , suntukan nalang Pre , wala namang ganyanan .
" G-go " nabigla naman ako ng may naramdaman akong humawak sa magkabilang braso ko , and the next thing I knew e nasa harapan na ako ng lalaking ang sarap lang suntukin -_- " Pagmasdan mo siyang mabuti " napayakap naman ako sa sarili ko at gusto kong umalis sam kinatatayuan ko ng bigla nalang ako nitong pasadahan ng tingin paibaba hanggang paitaas , kaya nung magkatapat na ang mga mata namen ay tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan ng tingin .
" Oh shet ! Ikaw nga CC " napasinghap pa ako ng bigla niya nalang akong hagkanin ng yakap , hindi naman ako agad nakaprotesta dahil nabigla din ako sa naging pagtawag nito saken . Isa lang ang tumatawag saken ng CC at yun si Zack Kisco .
" ZK " wala sa sariling sabi ko , naramdaman ko na maraming beses siyang tumango sa balikat ko , kaya mabilis pa sa alas kwatro na napayakap ako sa kanya " ZK ! Loko ka ! Bakit ngayon ka lang nagpakita ? " kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at ginawa ang dating ginagawa ko sa kanya noon nung high school palang kaming lahat . Niyakap ko ang ulo nito gamit ang isang kamay at kinutusan .
" Hahahaha , na miss ko yan CC . Sorry busy ako sa trabaho e " pinakawalan ko naman na ito . Tumayo siya ng maayos at inayos ang sarili . Sinuntok ko naman siya sa kaliwang braso na agad nitong ikinaray " Sadista ka parin hanggang ngayon CC , pero infairness sa'yo ha ? laki na ng pinagbago mo " sabay sundot pa sa tagiliran ko .
![](https://img.wattpad.com/cover/20631181-288-k83551.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Novela Juvenil[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...