ABatA5G#67

6.2K 176 10
                                    

ABatA5G#67

Napa face palm nalang ako ng makarating kami sa pupuntahan naming dalawa ni Ralvin . Akala ko pa naman lalabas kami ng university pero hindi pala -__- .

" Akala ko pa naman may pupuntahan tayo " maktol na sabi ko habang nagpapahila lang sa kanya , tinatamad ako maglakad e , bahala siya diyan .

" Hindi ba ito pinupuntahan ? " pamimilosopo nito saken , sinamaan ko lang siya ng tingin kahit hindi naman nito nakikita . Aish , buti nalang pala hindi nalang ako sumama sa kanya , sana nag stay nalang ako sa cafeteria , nandun si Kent e , sayang naman itong paglulugay ko ng buhok kung hindi naman niya ako papansinin .

Iniupo niya ako sa isang monoblock chair , umayos naman ako ng upo ng bitawan niya na ang kamay ko .

Nasa music room kami ngayon ng GU , ano kayang nakain nito at naisipang pumunta dito sa music room ? . Ang huling punta yata namen dito noon ni Ralvin ay nung 1st year college pa .

" Alam mo bang , hindi lahat ng taong nagmamahal ay kailangan magbago ng kanilang panlabas na anyo ? " kumunot naman ang dalawa kong kilay ng dahil doon , tinignan ko si Ralvin na ngayon ay nakaupo narin sa isang monoblock chair na nasa harapan ko habang may hawak na gitara , yung gitara na huling ginamit din niya , gurabe , napakatibay naman ng gitarang ito at buhay pa !

" Anong sinasabi mo ? " Ughh ! Kapag talaga ako nainis dito kay Ralvin , itatapon ko na siya sa pluto . Kanina pa niya ako sinasagutan ng ngiti sa tuwing nagtatanong ako ha ? Tch!

" Because your LOVING , not TRANSFORMING " magsasalita pa sana ako ngunit naputol iyon ng sabayan niya ng stantrums ng hawak niyang gitara, aish ! Ano ba kasing gustong sabihin ng lalaking ito ? .

~From the day that you arrived

I had no idea you'd be my life

But when I looked into your eyes

I knew someday, you'd be my wife~

Grabe ! Hindi parin nagbabago ang boses niya kapag kumakanta , isa ito noon sa dahilan kung bakit ako nahulog kay Ralvin . Tipo ko kasi sa lalaki ang may malambot na boses , malumanay kung baga .

~I know there's times when I am wrong 

And you know there's times when I am right

Just as long as we both give it all we can 

And for both to see that we try~

Hindi katulad ng boses ni Kent , parang hinukay pa sa ilalim ng lupa dahil sa lamig -___- . Pero hindi naman iyon ang nagustuhan ko sa kanya e .

~You took my heart so unexpectedly 

Who knew that you would be the one

But I always knew that there was something special 'bout you 

From the day that you walked into my life~

Ay ! Meron nga ba akong nagustuhan dun sa lokong iyon ? e wala naman akong matandaan e . I fell inlove in a unexpected way at the most unexpected time ika nga nila .

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon