ABatA5G # 28

7.6K 234 14
                                    

ABatA5G # 28                          

Naglalakad kaming dalawa ngayon ni Kent , kanina pa nga ito nagrereklamo at tanong tanong e ‘ nakakarindi na siya .

“ Sumama ka nalang okay ? kung gusto mo mauna kanang umuwi saken . Nagpaalam naman ako kay Auntie na magtatagal ako ng kaunti e’ “ paliwang ko sa kanya upang mahinto na siya sa kareklamadoron niya -__- tss !

“ Hindi , sasama ako sa’yo . Pero saan ka ba kasi pupunta ? “ – Kent

Julit julit ? -___- tss ! Bahala ka diyan !

Lumapad ang ngiti ko ng makita ko kung saan ko gustong magpunta . Sa lugar na iyon ay dito ako mahilig pumunta sa tuwing nasa palengke kami ni Inay at Tatay . Sa lugar na ito , may nakilala akong isang lalaking iyakin may binigay pa nga saken yun e’ ang kaso nawala ko :3 . Isa iyong coin na may butas sa gitna . Sabi pa nga niya gawin ko raw iyong kwintas para kapag nagtagpo daw ulit yung landas namen , makikilala daw niya agad ako tapos may ibibigay daw siya saken kapag nangyare yun ^_^ . Daming alam e , pero nasaan na kaya ang batang iyon ? .

“ Ice Cream Parlor ? “ – Kent

Huminto ako sa paglalakad ng sabihin iyon ni Kent . Ganun din ito .

“ *nod* Mahilig akong tumungo dito sa tuwing nagtitinda sina Inay sa palengke noon , e sa namiss ko ang Ice Cream nila dito kaya naisipan ko munang dumaan bago umuwi . Atsaka may sisilipin din ako , baka narito siya “ kumunot ang kilay nito .

“ Sino naman ? “-Kent

“ Hindi ko alam ang pangalan e’ “ kumunot pati ang noo nito “  Nagkakilala lang kaming dalawa sa lugar na ito , umiiyak pa nga e’ ke laki laking tao umiiyak , haha epic nun tulo sipon pa Yuck ! “ natatwang kwento ko sa kanya . Tumalikod akong muli at medyo patakbong pumasok ng Ice Cream Parlor .

Hmmmmm… Ang galing ! Hindi parin nagbabago ang amoy ng Shop . Amoy Ice Cream parin hihi !

“ Ay suki ! “ napatingin ako sa nagsalita

“ Ate Josephine ! “ binitawan ko ang mga dala ko at patakbong tumungo sa kinatatayuan ni Ate Josephine at niyakap ito ng mahigpit .

“ Ang laki-laki mo na suki ah ? pero anyare sa suot mo ? ganyan ba ang bagong suot ng mga taga maynila ? “ Ate Josephine

“ Naku hindi po Ate , nakasanayan ko lang po na ganito ang suot ko “ ngumiti nalang ito saken . Nagtaka ako ng makita kong nanlaki bigla ang mga mata ni Ate Josephine at medyo kumikinang pa ito . Paglingon ko sa tinitignan niya . Kumunot ang noo ko .

“ Ang gwapo naman ng nasa likuran mo suki , kilala mo ba yan ha ? kyaa ! ang wafu~ “ Ate Josephine

Hanla ! Ke tanda tanda na nitong si Ate Josephine kumekerengkeng parin -____- .

“ Magandang umaga po “ – Kent

“ Magandang umaga rin sa’yo pogi . Anong maipaglilingkod ko sa’yo ? “ Ate Josephine

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon