ABatA5G#52
Ilang araw na naming hindi nakakasama si Kent pero nakikita naman namin itong pumapasok araw-araw . Nagha-hi naman siya saming anim , pero hanggang doon lang iyon at wala ng kasunod . Sabi naman ni Ralvin saken , baka nagfo-focus lang siya sa pag-aaral kaya ganun na hindi na siya nakakasama samen .
Bakit ? hindi ba siya makapag-focus kapag kasama niya kami ? .
O baka naman nasaktan siya sa mga sinabi ko sa kanya nung nakaraang araw ? pero inilabas ko lang naman ang sama ng loob ko e . Galit kaya siya saken kaya siya umiiwas samen ? pero bakit pati sila ? dapat ako nalang , saken lang naman siya galit e .
Napahinto ako sa paglalakad ng may bigla na lamang humarang sa dinaraanan ko . Iniangat ko ang tingin ko at may nakita akong tatlong babae na nakacross arm sa harapan ko habang masama ang ibinibigay na tingin saken .
Problema ng mga ito ?
" Kamusta naman ang buhay malandi ? " tanong nung babaeng nakulangan ng tela ang suot na palda . Ba't hindi nalang siya nag panty e siya rin lang naman .
Kinunotan ko siya ng noo ng dahil doon " Buhay malandi ? ako ? " sabay turo ko pa sa sarili ko . They nodded .
" Alam ko na ang sikreto mo , maloloko mo ang lahat pero hindi kaming tatlo " sabay sabay naman silang ngumising tatlo pagkasabi naman nung nasa kaliwa na nakulangan din sa tela ang suot na blouse , kita kaya ang puson niyang may dumbell .
Lalo ko naman silang kinunotan ng noo " Ako may sikreto ? " sabay turo ko ulit sa sarili ko " Ano naman iyon ? "
" You pretending b*tch ! "
" Slut "
" Gold Digger ! "
May sasabihin pa sana yung babae ng pigilan ko na silang tatlo " Sinong nagsabi na may karapatan kayong tawagin ako sa mga salitang iyan ha ? " pinagtaasan ko na sila ng boses . Tawagin nalang nila akong Commoner , pero wag na wag nila akong tatawaging Slut , Gold Digger o B*tch ! Sumobra na sila , baka hindi ko sila matancha !
" Kami bakit ? may angal ka ? kung meron sa prisinto ka pumunta " sabi naman nung babaeng nasa gitna nila , ito ang pinaka nakulangan na tela sa kanila , ba't di nalang siya nagpanty at bra -___- . Tumawa naman silang tatlo kaya ako naman ay nakitawa din sa kanila na ikinahinto nila at ikinataas ng kilay " Why are you laughing with us ? "
" Bakit masama ? may batas ? " di siya nakaimik pero sinamaan niya ako ng tingin " At hanggang kailan niyo ba balak bigyan ng ibang malisya ang pagsama ko sa limang gwapo ? bakit ? porke mahirap ako hindi na ako pwedeng makipag kaibigan sa mayayaman ? "
" Exactly ! You're poor lang naman e , your not bagay to sama-sama to them ! "
" Yeah right ! "
" Sinong bagay sa kanila ? kayo ? " sabay turo ko sa kanilang tatlo , sabay-sabay naman silang tumango " Sorry pero hindi nakikisama ang 5 gwapo sa mga mukhang pok-pok na tulad niyo "
" WHAT ?! " silang tatlo
" W-what did you said to us ? Pok-pok ? "
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Teen Fiction[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...