ABatA5G#63
" Coreen ! Ano bang ginagawa mo ? magpapakamatay ka ba ? " unti-unti ko namang iminulat ang mga mata ko . Napangiti ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko .
Ang lakas ng kabog ng puso ko , akala ko katapusan ko na . Akala ko mawawala na ako sa mundo ito na hindi man lang nakikipagbati kay Inay .
" Coreen " niyakap naman ako bigla ni Kent " I'm sorry , sorry "
" Bakit ka aalis ? bakit mo ako iiwan ? . Akala ko ba pag-uusapan naten ang tungkol sa pinag-awayan namin ni Inay at para komportahin ako ? . Bakit ka aalis ? bakit ? " sunod-sunod na tanong ko habang mahigpit na akong napayakap sa kanya .
" P-patawad "
-
Nasa sala na kami ngayong dalawa . Katabi ko siyang nakaupo sa mahabang sofa habang kinukwento ko na sa kanya ang nangyare kagabi .
" Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon si Inay , ano bang ipinakain sa kanya ni Martin para hindi niya ito hiwalayan ? " kinuha naman nito ang dalawa kong kamay at pinisil iyon . Napaangat ako sa kanya ng tingin .
Minsan natatanong ko sa sarili ko na 'Nararamdaman rin kaya ni Kent ang kuryenteng nararamdaman ko sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko ?' hirap mag-assume -_- .
" Hindi naten hawak ang desisyon ng ating mga magulang Coreen , mahal lang talaga siguro ng Inay mo si Martin kaya siguro hindi niya ito kayang iwan . Kahit naman siguro ikaw ang nasa kalagayan ni Tita , ganun din naman ang gagawin mo hindi ba ? . Na hindi mo iiwan ang taong mahal mo na kahit anong gawin pa nito na pang gagago sa'yo ? " napayuko ako ng dahil doon at hindi nakaimik . May punto kasi siya e " Intindihin mo nalang si Tita , Coreen "
" Siguro nga " sabay angat ko ng tingin sa kanya at nginitian ito " Maraming salamat Kent , nalinawan ako sa sinabi mo " ngumiti naman ito pabalik saken " Ikaw din ba ganun gagawin mo sa taong mahal mo ? na kahit niloloko ka na niya , ginagago ka na niya , harap-harapan mo pa ? " pagbabalik ko ng tanong sa kanya .
" Oo naman , mahal ko e . Ibababa ko na ang pride ko para hindi lang siya mawala sa piling ko "
" Ngayon ko lang napagtanto na , ang dami mo palang alam sa buhay noh ? papalitan mo na ba si Ralvin sa pagiging Word of wisdom ? " kumunot naman ang noo nito na ikinatawa ko lang " Joke lang , pero salamat talaga Kent ha ? kakausapin ko na siguro si Inay mamaya "
" Wala iyon , basta wag mong kalimutan na may isang Kent Bevan na handang maging sandalan mo okay ? late nga lang " natawa naman ako dun
" Sira "
" Ayan , tumatawa ka na "
" Baliw ka kasi e "
" Matagal na akong baliw "
" Buti inamin mo " natatawang sabi ko
" Sa'yo "
" Huh ? " ano raw sabi ? nabingi yata ako
" Wala , sabi ko umuwi ka na para makapag-ayos na kayo agad ni Tita "
" Pinapauwi mo na ba ako ? " nakangusong sabi ko , hinilamos naman nito ang mukha ko gamit ang palad nito " Aray "
" Pangit mong ngumuso , di bagay . Nagmukha kang bibi " napanguso naman ako lalo dun " Yuck ! Alisin mo nga yan "
" Arte ! " sabay irap ko sa kanya " Nga pala Kent , pinapasabi pala ni Doreen na gusto niya ng games sa darating nitong birthday , okay lang ba sa'yo ? okay lang kung wala na , ako na ang bahalang magpapaliwanag sa kan--- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin niya na ito gamit pagsasalita din niya .
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Dla nastolatków[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...