ABatA5G#12

10.3K 343 18
                                    

Nasa Canteen ako ngayon . Wala ang 5 GWAPO . Nasaan sila ? yan ang hindi ko alam .

“ Hi Reen “

-___________-

“ Anong kailangan mo Celestine ? “ nakita ko naman sa peripheral view ko na sinamaan niya ako ng tingin . Napangisi nalang ako . Kahit kelan talaga .

“ I hate You Coreen Cornwell ! “ Celestine

“ The feeling is mutual Celestine Baretz “ sabay lingon ko sa kanya . Nakabusangot na nakatingin siya saken tapos inirapan . Naiiling na ibinalik ko ang tingin ko sa notebook ko . May quiz kasi kami sa Math mamaya . Mas nakakapag concentrate kasi akong mag review kapag maingay , kesa sa tahimik . Parang lalong nawawalan ng laman ang utak ko kapag ganun e .

“ Hindi mo na kailangan magreview , masyado ka ng matalino para sa ganyan “ rinig kong sabi niya .

“ I know . Pero hindi naman sa lahat ng topic ay alam ko , kaya kailangan ko ring mag review kahit paano “ sagot ko habang sinosolve ko ang X .

“ Yea’yea’ , kakaiba ka talaga “ tumango nalang ako sa inasabi niya . Naintindahan ko naman iyon kung bakit niya ako sinabihan na kakaiba . Bakit ? kung sila kasi ‘ pa sarap sarap lang ‘ na kahit bumagsak sa mga test ay kaya naman nilang bayaran yung teacher para ipasa sila , samantalang ako ‘ kailangan kong magreview para maipasa ko lang ang marka ko . See the difference of being mayaman and poor right ? Tss.

--

Nasa classroom na ako ngayon sa Mathematics , kaklase ko si Kent sa subject na ito . Aaminin ko , medyo mahirap pa ito sa inaakala kong sasagutan namen . Pero keri lang .

Napatigil ako sa pagsasagot ng may biglang bumato saken ng nakalupi na papel . Pagtingin ko sa painggalingan nung nilukot na papel , ay dun pala sa kaklase kong plastic . Iningunguso naman niya yung nilukot na papel na binato niya saken . Wala naman akong nagawa kundi pulutin nalang . Binuklat ko iyon at binasa .

‘Pa copy ako , hindi ko alam e ‘

Yan ang nakalagay sa papel . Napailing nalang ako at nilukot muli iyon . Tumingin ako sa kanya ng nakangiti kaya ngumiti rin siya . Unti-unti akong umiling at inalis ang ngiti ko . Sumama naman ang tingin niya saken . Inirapan lang niya ako dahil wala naman siyang magagawa kung hindi ko siya gustong pakopyahin hindi ba ? .

*kulbit*

“ Hmmp ? “

“ Paano ito ? “ sabay turo niya . Napailing ako , ang dali naman nung tinuturo niya e’ .

“ E substitute mo lang yung mga nasa parenthesis kung anong hiningi ng question , tapos solve mo na “ tumango-tango nalang siya saken at nag thumbs up . Madali naman siyang matuto . Hindi naman ipinagbabawal na turuan ang katabi kaya okay lang kahit na Makita kami . Hindi ko naman siya pinapakopya e’ .

Ipinagpatuloy ko na ang pagsasagot ko . Nasa huling numero nap ala ako ? hahaXD hindi ko namalayan yun -__-

“ Mam “ tumayo na ako at ibinigay na kay Mam ang papel ko . Nginitian lang ako ni Mam at tinignan ang sagot ko . Bumalik na ako sa kinauupuan ko .

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon