Nasa bahay lang ako ngayon . Lingo kasi kaya walang pasok . May pupuntahan pala ako mamaya , may nakita kasi akong nakapaskil kanina doon sa tapat ng tindahan na pinagbibilihan ko , doon sa poste may nakapaskil na nangangailangan sila ng helper sa isang lugawan , di kalayuan dito sa kinatatayuan nitong bahay . Aba’ pagtiyatiyagaan ko na muna iyon habang hindi pa ako tapos sa pag-aaral at para mabayaran ko narin ang utang k okay Kent .
*cough*cough*cough*
Napalingon ako kay Inay na ngayon ay kumukuha ng tubig sa pitsel .
“ Ilang lingo na yang ubo niyo nay ah ? bakit hindi pa po kayo magpatingin . Baka kung anon a po yang ubo niyo , kaya hindi na matanggal tangal “
Umupo naman siya sa tabi ko .
“ Ubo lang ito anak at madadaan sa isang tablet ng gamot . Gastos lang ang pagpapacheck-up “ Inay
Napabuntong hininga nalang ako .
“ Puro nalang gastusin nay ang iniisip niyo , paano naman po ang sarili niyo ? mas malaki po ang magagastos natin kapag lumala pa po yang ubo niyo “
“ Hindi yan anak , wag mo ng alalahanin si Nanay , okay ? “ hinawakan niya ako sa buhok ko habang nakangiting nakatingin saken . Tumango nalang ako bilang sagot . Inalis na niya yung kamay niya sa buhok ko at tumayo patungong kwarto .
Sinundan ko lang ng tingin si Inay . Namamayat na ito , kulang nalang ay Makita na lahat ng buto dahil sa payat . Akala ni Inay , hindi ko napapansing namamayat siya dahil sa ubo niya . Hindi ko naman siya mapilit na magpatingin sa doctor at magpahospital muna . Ang tigas pa man din ng ulo niyan .
“ Ate Ate ! “
Nakangiting nilingon ko ang kapatid kong babae na si Doreen na nakahawak sa braso ko habang tuwang tuwa pa na tumatalon talon .
“ Ano iyon maganda kong kapatid ? “ sepal pisil ng pisngi niya . Ang cute kasi . Limang taon na si Doreen .
“ Laro tayo Ate “ Doreen
“ Huh ? … Ah-eh , hindi pwede si Ate E’ may pupuntahan kasi ako . Kay Ate Loreen ka nalang makipag laro “ sumimangot siya sa sinabi ko . Ang cute niya lalo sa pagsimangot niya . “ Babawi nalang si Ate sa susunod okay ? kaya ngumiti ka na diyan . Sige na , sige na ! Dali!! “ unti unti naman siyang nguti saken at tumango . Ginulo ko nalang ang buhok niya .
“ Loreen ! “ tawag ko naman sa isa ko pang kapatid . Sampong taon naman si Loreen . Ang weird ng mga pangalan namen e noh ??
“ Bakit Ate ? “ bungad niya saken na kakalabas lang niya ng kwarto .
“ Makipag laro ka muna sa kapatid mo at may pupuntahan lang si Ate “ tumango lang soya at ngumiti . Nilapitan naman niya si Doreen .
“ Lika Doreen , doon tayo sa kwarto , Maraming toys doon si Ate “ ngumiti ng malapad si Doreen . Kinuha niya ang kamay ng Ate niya at sabay silang pumasok ng kwarto . Ang cute nilang tignan na dalawa .
Tumingin ako sa relo ko . Ay wala pala akong relo . Tumingin ako sa ding ding at doon ko nakita ang wall clock namen . 10 am nap ala . Kailngan ko ng pumunta doon .
Tumayo na ako at tumungo ng banyo para maligo . Pagkatapos , nagsuot na ako ng desenteng damit ko . Isang T-shirt na kulay pula na may nakaukit na dragon . Hindi na siya masyadong loosen ngayon , konti nalang hehe . Tapos nagpantalon narin ako . Medyo may kasikipan nga lang . Litaw na litaw tuloy yung hugis ng hita ko . Ang payat >_< puro buto walang kalaman laman . Nagpuyod narin ako ng buhok ko . Tulad ng dati , walang ni isang hibla ng buhok ang nalalaglag . Hindi na muna ako nagsuot ng BallCap . Baka hindi pa ako tanggapin ng dahil dun e’ . Sinuot ko na yung DollShoes na bigay naman saken ni Leslie . Bakit DollShoes ?? try ko naman daw minsan na magpaka babae kahit sa pang-ibaba lang . -______- Anong tingin niya saken ? hindi babae ?
Parang ganun na nga Girl !
Shuddup!!
>____<
“ Nay , alis muna po ako sandali ! “ paalam k okay inay habang isinusuot ko yung DollShoes .
“ *cough*cough* sige anak . Mag-iingat ka “ rinig kong sabi ni Inay .
“ Opo . Sige po alis na po ako “ lumabas na ako ng bahay . Ang dala ko lang ay ang isang Biodata na naglalaman ng buong pagkatao ko . Lalim . NOSS BLED !!! HhahahXD
Nagsimula na akong maglakad . Napahinto lang ako sa tapat ng bahay nila Kent ng mapansin kong naroon siya sa Veranda sa itaas . Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko . Hindi naman niya yata ako nakita .
--
“ Good Morning po “ batik o doon sa nasa counter .
“ Ano po iyon Ate ? “
Tinuro ko nman yung nakapaskil “ Maga-apply lang po sana ako “ sabay ngiti ko .
“ Ah’ ganun po ba ? “ tumango ako . Tumingin naman siya sa isa pang crew doon “ Ate may mag-aapply daw po ! “
“ Papasukin mo “ Rinig kong sabi nung . Boss ata nila .
“ Ate pasok raw po kayo “
Tumango ako at nagpasalamat sa kanya . Iginaya niya ang daan sa akin , patungo kung saan naroon nakaupo ang boss nila .
“ Ate , pasok ka lang po diyaan “
Yumuko lang ako sa kanya at humingi ulit ng pasalamat . Ngumiti lang siya saken . Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob . Nakayuko ako ng pumasok ako doon .
“ Good Morning Po , Mag—aaply---------------“ pag-anagat ko ng tingin ko .
O________O That’s my Reaction .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Coreen Cornwell sa side po >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Novela Juvenil[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi&amp;amp;lt;3 Join kayo sa...