ABatA5G#41
Mabilis na lumipas ang araw , kaya heto kami ngayon nasa loob ng cafeteria at kumakain na ng hapunan . Okay naman ang naging takbo ng K'sRL , at salamat sa dalawang nagtiya-tiyagang magbantay ng shop araw-araw na sina Jhona at Lyn . Nagpapasalamat din ako sa 5 gwapo dahil kung hindi sa kanila baka ngayon palang , sarado na ang shop na ipinagkatiwala saken ni Kate . Kamusta na pala kaya ang babaeng yun ? sabi ng sumulat e .
" Jace " lumingon naman saken si Jace na subo-subo ang sandwich na bigay ng mga studyante nanaman dito sa Gennaria's University . Grabe , hindi parin sila nagbabago " May balita ka na ba kay Kate kung kamusta na siya ? " tumango naman siya ng ikinatuwa ko kaya inilapit ko ng kaunti ang sarili ko sa kanya " Ano raw sabi ? "
" Okay lang naman daw siya , nakakapanibago lang daw dahil puro mapuputi ang nakikita niya doon , at nahihiya siyang lumabas ng dahil doon " - Jace
" Wow ! Updated si Loverboy oh ? iba na yan Pre ! " - kantsaw naman sa kanya ni Braggy na ikinatawa nung tatlo , mabilis namang dumapo ang kamay ni Jace sa ulo ni Braggy .
" G-ago ! " singhal ni Jace
" Maya ka na mangantsaw Braggy , nakikibalita ako e " tinaas naman ni Braggy ang dalawa niyang kamay na parang nagpapahiwatig na 'Oo na' kaya hinarap kong muli si Jace " Bakit daw siya nahihiya ? hindi ba niya alam na mas maiinggit ang mga taong makakakita sa kanya doon ? kung tayo mahihilig sa maputi yung mga nandun mahilig sa morena . Pakisabi lumabas siya at ipangalandakan ang kutis ng mga Pilipina "
" Okay " tipid na sagot nito at nagtype na sa kanyang hawak na cellphone . Tumango nalang ako .
May nag-abot naman saken ng donut kaya agad ko iyong kinuha , hinarap ko naman ang nag-abot saken nun at nagpasalamat .
Kumain na muna kaming lahat ng tahimik . Ngayon araw lang kami magkakasama ng limang gwapo sa hapunan , paano ba naman kasi iba-iba ang schedule namen . Kung si Kent kaklase ko noon sa Math ngayon iba na ngunit dumagdag pa ng isa , science at P.E class . Tapos magkakaklase naman kaming lahat sa Filipino . Sa ibang subject nun wala na , hirap naman kasi dito e . Pang high school ang dating ng subjects nila , parang hindi ka college .
" Anong topic mamaya ang e-di-discuss ni Mom sa Science ? " tanong saken ng katabi kong si Kent na ngayon ay busy sa pagso-solve ng Math assignment niya . Kahit hindi na kami magkaklase sa Math nagpapatulong parin saken , ano akala niya saken ? guro ? tutore ? hay kung diko lang talaga kaibigan ito hinayaan ko lang siya diyan .
" Newton's Law of Motion , wag mo munang itanong yun at mag focuss ka muna diyan sa ginagawa mo , isa rin yung calculation baka malito ka na " tumango-tango lamang ito sa sinabi ko .
Napatingin ako sa ginagawa niya , nakukuha naman niya agad , napakadali talaga niyang matuto , pero napahirap talaga niyang mag memorya -_- .
" Aba , subsob ka yata sa pag-aaral Kent ? anong nakain Pre ? " mabilis na dumampot ako ng pinagbilutan ng pagkain sa lamesa , nilukot iyon at ibinato kay Braggy na nasaktuhan naman sa kanyang mukha .
" Wag kang mang-istorbo diyan Braggy , baka gusto mong makutusan ? " saway ko sa kanya , itinaas naman niya ang kanyang dalawang kamay " Good ! " narinig ko namang tumawa yung tatlo .
" Mag-aral ka na rin kasi ng mabuti Pre " sabi ni Jace at inakbayan si Braggy " Nabalitaan ko na napagalitan ka sa Daddy mo dahil puro pasang-awa ang grades mo " mabilis namang hinawi ni Braggy ang kamay ni Jace at umiling .
" Hindi ah ? kanino niyo nabalitaan yang chismiss na yan at ng mahalikan ? " - Braggy
" Sinong hahalikan mo Mr Winton ? " napa-angat kaming lahat ng tingin sa nagsalita , ganun din si Kent na seryosong-seryoso sa pagso-solve .
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Novela Juvenil[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...