ABatA5G#36
Maaga akong nagising kinabukasan . Paanong hindi e ang aga ko ring natulog kahapon . Kinuha ko sa sahig ang bag na dala ko kahapon , hindi ko pa naayos ang mga gamit ko , napagod kasi ako sa biyahe grabe ! Napangiti ako ng may nakita ako doon , tiyak na matutuwa siya dito kapag naibigay ko sa kanya ito .
Natawa ako ng may naalala ako . Isa kasi itong keychain . At couple keychain . Ang paris ng hawak ko ngayon na ibibigay ko kay Kate ay na kay Jace . Hihi . Shhh lang kayo okay ? walang alam dito ang dalawa haha .
Ng matapos akong mag-ayos ng mga gamit ko ay naligo't nagbihis na ako ng pang-alis . Isang skinny jeans na bigay saken ni Kent ng pumunta kami sa bargain sa baryo sinalubong at nung hindi pa ako galit sa kanya . Pinarisan ko iyon ng kulay white na t-shirt na may nakaukit na pangalan ng brayo namen , ako naman ang bumili nito . Nagsuot narin ako ng doll shoes , tinalian ang napakahabang buhok , parang noon lang , wala dapat mahulog sa mukha ko at isinuot narin ang ballcap ko .
" Ready ! " sabi ko at kumindat kindat pa sa salamin na akala mo tanga kaya napatawa ako sa sarili ko . Isinakbit ko na sa likuran ko ang back pack ko at lumabas na ng kwarto . Naratingan ko doon ang dalawa kong kapatid na naglalaro sa sala .
" Where are you going Ate ? " napakunot ang noo ko ng dahil doon . Kelan pa natutong mag-english ang babaitang ito ? dalawang buwan lang akong nawala naging inglisera na ? may balak ba itong mag ibang bansa kapag lumaki na siya ? . Ay bongga !
" Sa lugawan " tipid na sagot ko pagkatapos ay inilibot ang paningin sa loob ng bahay , nasaan kaya si Inay ? sa liit ng bahay namen nakuha ma pang makapagtago .
" Inay is in the dirty market , she's buying a food for us " napatang-tango nalang ako at naglakad papalabas ng bahay . Ngunit bago ako tuluyang umalis ay sinilip ko muna silang dalawa na ulo lang ang nakadungaw sa pintuan " Bago ang lahat Loreen , ang galing mong mag-english ha , tignan mo yang ilong mo dumudugo na " nakita ko na agad itong napahawak sa kanyang ilong at ng mapagtanto na niloloko ko lang ito ay sinamaan lang ako nito ng tingin . Kaya natatawang inalis ko ang ulo ko na nakadungaw sa pintuan .
Ilang minuto lang ng paglalakad ay nakarating narin ako ng K'sRL . Sumilip ako sa glass wall at nakita ko ang dalawa , na si Lyn at Jhona na busy'ng busy sa pag-aayos sa loob . Dahan-dahan naman akong pumasok sa loob ng lugawan .
" Good morning Ma--- " sabay nilang hindi natapos ang sinasabi nila ng sabay silang tumingin saken at nanlaki ang mga mata .
" Coreen ! " sabay din nilang sigaw at tumakbo patungo saken at iniwan ang kani-kanilang mga ginagawa . Niyakap naman nila ako ng sabay , kaya natawa ako . Kung hindi lang magkaiba ang mukha nitong dalawa at apilyido mapagkakamalan ko silang dalawa na kambal haha .
" Kyaaa ~ kelan ka pa nakabalik Coreen ? how's the vacation with 5 gwapo ? masaya ba ? oh my god ! Sana nandoon ako " - Jhona
" Jeez ! sinabi mo pa , ano ? ano na ? " - Lyn
" Hahaha , chill mga Pre . Okay lang naman ang bakasiyon naming anim , atsaka sa tingin ko nag-enjoy naman ang limang gwapo sa pagbabakasiyon sa probinsya namen " nakangiti silang tumango .
" Kung ganon ...
may pasalubong ka ba samen Coreen ? " natawa ako ng dahil doon kasi sabay nanaman silang nagsalita , at expected ko na yan ang sasabihin nila . Buti nalang at lagi akong handa at may dala akong pera doon kundi wala akong maibibigay sa mga ito .
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Novela Juvenil[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...
