ABatA5G#18
Nasa Library na ako , siguro mga 6 am na nandito na ako . Anong oras na ? 8 ? . Tss. Hindi na siguro pupunta si Kent , baka may sakit pa ‘ kaya hindi pa makapasok . Hay ! .
Nagugutom na ako , hindi pa ako nag-almusal e’ . Makabili na nga muna sa Caft.
Tatayo na sana ako ng biglang may mang-upo ulit saken , pagkalingon ko .. si Kent .
“ Kent ? “ nagtatakang sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo na siya sa tapat ko . “ Wala ka na bang sakit ? “
“ Pupunta ba ako dito kung meron pa ? “ Kent
“ *pout* Sabi ko nga , akala ko kasi hindi ka na makakarating e’ , almost 2 hours na kasi akong nandito “
“ Simula na tayo ‘ “
Tumango nalang ako , inilabas ko ang NB ko sa Bag ko . Inabot ko sa kanya ito pagkakuha ko .
“ Kopyahin mo muna bago kita turuan , don’t worry wala pang sagot yan “ sumimangot ang mukha niya ng malaman niyang walang sagot , pero kanina ngiting ngiti ‘ akala niya maiisahan niya ako ? ekek niya !
“ Ang daya ! , akala ko pa naman pakokopyahin mo na ako ! “ nakapout niyang sagot .
“ Maraming namamatay sa maling akala , kaya manahimik ka na diyan at kumopya nalang “ kinalikot ko naman ang librong hawak ko . Ito yung librong kinuha ko bago ako ginulat ni muriot .
Sinimulan na niya itong kopyahin ng nakasimangot .
O________O Ayan nanaman po ang liwanag , ang iba’t ibang uri ng bulaklak at ang mga paro-paro . Bakit ba kapag tumititig ako sa kanya ganyan ang nakikita ko ? ano na bang nangyayare sa’yo Coreen ??
Iniling ko ang ulo ko ng maraming beses at iniumpog ko sa noo ko ang hawak ko na libro .
“ Aray ~ “ napahawak ako sa noo ko .
“ La’ anong nangyare sa’yo Coreen ? “ may naramdaman akong humawak sa magkabilang braso ko kaya nilingon ko ito , pero wow mali .. O__O
K-kasi , bu-bumalik yung mga’ nakikita ko .
“ Coreen , anong nangyayare sa’yo ? “
Bakit ba napakagwapo kasi ng lalaking ito ? Siguro ng magpaulan ng kagwapuhan at kagandahan si ano’ kilala niyo na , naka-isang balde siya noh ? ang gwapo e’ . Pero mas gwapo parin si Ralvin Bebe ! ko . Pero kung ganun , bakit kay muriot ko lang nakikita ang mga ganito ? kapag nakatitig naman ako ng ganito kay Ralvin Bebe , wala naman akong nakikita na ganito ? ano iyon ? anong ibig sabihin non ? Paki explain please !
“ Coreen ! “
Nakaramdam ako ng paghaplos sa pisngi ko kaya nakabalik ako sa realidad , nanlalaki ang mga mata ko ng makita kong napakalapit na ng mukha sa akin ni Kent . Kaya naitulak ko siya dahilan ng pagkakalaglag niya sa kinauupuan niya .
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Teen Fiction[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...
