ABatA5G#42

7.7K 194 4
                                        

ABatA5G#42

[ Third Person's POV]

Masayang nag-iimpake ang isang dalaga dahil sa sinabi ng kanyang ina na uuwi na ito ng Pilipinas .

It's almost 10 years ng maburo ako dito sa Italy sabi nito sa kanyang isip habang naluluha pa ito . Hindi ito luha ng isang nasaktan , kundi luha ng isang taong masayang masaya .

" Baby , are you done ? " sabi ng Ina nito na nasa labas ng kanyang kwarto . Isinara na niya ang kanyang laugage bago sumagot .

" Yes Mom , I'll be there in 5 minutes " hindi na ito nakarinig ng sagot kaya mabilis niyang ibinaba ang maleta niya . Isinuot na niya ang kanyang leather boots at kinuha narin nito sa likuran ng kanyang pintuan ang isang leather rin na jacket " This is gonna be hard , but I'll take the risk . This is all for you Bubu . AJA " sabi nito bago tuluyang lumabas ng kanyang kwarto .

Busy naman sa pagse-serve ang limang gwapo sa shop dahil araw ngayon ng sabado . As usual maraming tao dahil nandito silang lima .

" Alam niyo , kailangan pa nating i-palaki itong shop , tignan mo oh ? ang dami pang nakapila sa labas " ika ni Jhona na sa labas lang nakatuon ang tingin habang sinasabi iyon .

Puno na kasi ang lahat ng kanilang mesa sa loob ng shop at marami pang nakapila hanggang sa labas .

" Sang-ayon ako sa'yo kambs ... at hindi lang iyon , kailangan pa naten ng ibang crew , tignan mo naman kasi sina Rhian at Alexa , nagkanda-uga-uga na sa pagseserve " ika ni Lyn na ganun din ang ginawa katulad ng kaibigan niyang si Jhona .

Nakahawak naman sa kanilang mga baba ang limang gwapo at ganun din si Coreen na nakatingin lamang sa mga taong nasa loob ng shop at seryoso din ang kanilang mga mukha .

" Sang-ayon ako sa sinabi nila " - Leslie

" At dapat simulan na naten iyon bukas " - Jace

" Ako na bahala sa mga idadagdag na crew , may mga ressume ang iba pang nag apply nung nakaraan kaya hindi na naten kailangan pang mag hire ulit " - Ralvin

" Ako na bahala sa mga karpintero " - Braggy

" Ako na muna bahala sa gastusin  " - Kent

" We ? kuripot ka diba ? " sinamaan naman siya ng tingin ni Kent kaya napa-peace sign nalang ito at sumeryoso ulit ang mukha " Edi isang buwan na sarado ang shop kapag isinagawa naten iyon ? "

" Kailangan , dahil kung hindi naten gagawin iyon ay baka hindi ito agad matapos " - Jace

" E kung mamaya niyo na pinag-iisipan ang lahat ng iyan at tumulong na kayo sa mga nagse-serve , edi sana natuwa pa kami ? " sabay-sabay namang nilingunan ng may pagkasama ang tingin ang nagsalita . Mabilis namang tumago ito sa likuran ng kanyang kaibigan at halatang-halata ang takot sa kanyang mukha " He-he , sorry mga boss , parami pa kasi ng parami ang mga costumer e "

--

Kasalukuyang pinagme-meetingan ng mga boss ang dapat gawin sa kanilang pagpapalaki sa kanilang pinanghahawakan na shop ng biglang tumunog ang cellphone ni Braggy na ikinatigil nilang lahat .

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon